Chapter: Chapter 276To be precise, unti-unti nang nawawala si Benjamin sa pinakamahalagang bahagi ng puso niya. Wala na siyang pakialam kung sino pa ang pipiliin nito kapag na-kidnap silang dalawa.Pero syempre, ayaw niya nang ma-kidnap. Nangyari na iyon noon, ayaw na niya itong maulit pa.“Diana, hindi ako nandito para pag-usapan si Benjamin." Ibinaba ni Celestine ang hawak na tasa ng kape at tinitigan si Diana nang maigi. "Ang gusto kong pag-usapan ay si Lola Belen.”"Ano pa bang dapat pag-usapan tungkol sa matandang babaeng 'yon? I think I'll be wasting time talking about her.”Galit na galit si Diana sa kanya! Ang matanda ang sinisisi niya. Kung hindi ito masyadong boto kay Celestine, hindi papakasalan ni Benjamin ang babaeng nasa harapan niya ngayon.Kumunot ang noo ni Celestine, halatang hindi natuwa sa reaksyon ni Diana."Palaging iniisip ni Lola Belen ang tungkol sa dangal. Hindi ko naman na siguro kailangang ipaalala sa'yo ang estado ng pamilya Peters sa buong Nueva Ecija, hindi ba? Alam mo ba
Huling Na-update: 2025-05-03
Chapter: Chapter 275Sa Bistro Cafe. Hinaplos ni Celestine ang kanyang mga pulsuhan at tumingin sa madilim na langit para hanapin ang buwan. Sa harap niya, tahimik siyang tinitigan ni Diana na may malamig na ekspresyon sa mukha.Luminga-linga si Celestine at napansing walang ibang tao sa cafe na iyon."Ipinabook ko ang buong lugar kaya tayong dalawa lang talaga ang nandito ngayon," malumanay na sabi ni Diana.Hindi maiwasang mapatingala si Celestine. Ipinabook ni Diana ang buong lugar? Pwede namang mag-usap ng normal lang, hindi ba? Bakit kailangan pang pahirapan ang kanilang mga sarili? Hindi naman mahirap gawin iyon."Sa ngayon kasi, nasa gitna tayo ng problema. Kung magkita ang kabit at ang legal na asawa at makuhanan iyon ng picture, tiyak na pag-uusapan na naman tayo ng mga tao,” pagkasabi noon ay uminom ng kape si Diana.Hindi napigilan ni Celestine na titigan nang mabuti ang babae sa harap niya. Ang pinakamagandang katangian ng pamilya Valdez ay ang kanilang mga ilong.Ang mga babae sa pamilya Va
Huling Na-update: 2025-05-03
Chapter: Chapter 274Kumunot ang noo ni Benjamin at agad niyang tinawagan si Veronica habang inilalapit ang cellphone sa tainga niya.Inabot niya ang loob ng kanyang kotse, sinusubukan niyang kumuha ng sigarilyo. Hindi sinagot ni Veronica ang tawag kaya lalong kumunot ang noo ni Benjamin.Binaba na lang niya ang tawag, at nag-send ng text message kay Veronica.“?”Kakasisindi pa lang ni Benjamin ng sigarilyo nang makita niyang lumabas si Celestine at ang ilan nitong kaibigan mula sa ospital. Tumingala si Celestine at nagtama ang kanilang mga mata ni Benjamin. Humithit si Benjamin ng sigarilyo at itinapon ito sa basurahan sa tabi niya. Pinagpag niya ang damit na para bang sinusubukang alisin ang amoy ng sigarilyo roon.Tumayo si Celestine sa harap niya at nakita niyang pumunta si Benjamin sa kotse para kumuha ng tubig.Uminom ito ng isang lagok at malamig na sinabi, “Sumakay ka sa kotse.”“Anong meron? O dito na lang tayo mag-usap? Pupuntahan ko pa kasi si Lola Belen mamaya.” Wala sa plano ni Celestine
Huling Na-update: 2025-05-02
Chapter: Chapter 273Mahinang bulong ni Benjamin kay Diana, "Bitawan mo muna ako. Kailangan kong pumunta kay Grandma.""Hindi. Dito ka lang sa tabi ko." Umiling si Diana, namumula ang mga mata niya, at mukhang kaawa-awa.Nakita ni Celestine na mahigpit ang pagkakayakap ni Diana sa baywang ni Benjamin kaya kumunot ang noo niya, nagkunwaring kalmado at una nang nagsalita, "Nabisita ko na si Lola Belen, okay naman na siya. Kaya, babalik na ako sa trabaho."Pagkatapos noon, tumalikod na si Celestine at wala nang balak na lumingon pa.Ngunit.."Celestine."Walang malay na tinawag siya ni Benjamin. Walang magawa si Celestine noon kung hindi ang lumingon para tingnan siya, at napatingin din siya kay Diana.Mahinahon niyang tugon, "Ano 'yon?"Nagkatinginan sina Benjamin at Celestine.Ilang segundo ring natahimik si Benjamin bago nagsalita, "Wala. Pag-usapan na lang natin ito pagkatapos ng trabaho mo."Tinitigan ni Celestine si Benjamin. Parang may libo-libong salita sa mga mata nito na gustong lumabas, pero lahat
Huling Na-update: 2025-05-02
Chapter: Chapter 272Tiningnan ni Benjamin si Diana noon. Napakunot-noo naman si Philip, halatang hindi natuwa sa pagdating ni Diana.“Ano'ng meron? Bakit ganun makatingin sa akin ang ama mo?” tanong ni Diana kay Benjamin.Ipinasa ni Benjamin sa kanyang ina ang mga gamit para kay Lola Belen pagkatapos ay hinila si Diana at sinabing, “Sa labas na lang tayo mag-usap.”Tumango si Diana, hindi niya nakalimutang silipin si Celestine. Nakita niyang kino-comfort ni Celestine si Zsa Zsa na noon ay naluluha na.Sa isang bench sa likod ng garden ng inpatient department sila nag-usap na dalawa, tinanong ni Benjamin si Diana, “Nabasa mo o nakita mo na ba sa TV ang balita?”Umupo si Diana sa bench at lumapit kay Benjamin, sandaling natigilan, saka tumango, “Oo. Alam ko na ang tungkol sa balita na sinasabi mo.”“Maraming masamang komento tungkol sa iyo, sana ay huwag mong dibdibin masyado. Hindi 'yun mahalaga para sa ating dalawa, naiintindihan mo ba?” Nakakunot-noo si Benjamin noon habang kinakalma si Diana. Natatako
Huling Na-update: 2025-05-01
Chapter: Chapter 271Sabay na tumingin sina Zsa Zsa at Lola Belen kay Benjamin, hinihintay ang kanyang sagot.Yumuko si Benjamin pero nanatiling tuwid ang pagkakaluhod niya.Gumalaw na ang kanyang labi at handa na sanang magsalita nang bigla niyang narinig ang reporter sa TV na nagsabi, "Gumastos din ng malaking pera si Benjamin Peters para bilhin ang lupa malapit sa airport para kay Diana Valdez at nagtayo siya roon ng isang hacienda para sa nasabing dalaga.”Halos sumabog sa galit si Philip dahil sa narinig, "Hindi mo inalintana na masasaktan mo ang pamilya Villaroman makuha lang ang lupa, para lang mapasaya si Diana? Benjamin, nababaliw ka na ba talaga dahil sa babaeng iyan?""Hindi po, Dad." Agad na paliwanag ni Benjamin sa kanyang ama, "May sarili akong plano sa lupang iyon, hindi iyon para kay Diana."Napasinghap si Lola Belen, "Ang bilis mong linawin ang bagay na ‘yan. Pero kanina, hindi mo sinagot ang tanong ng ama mo."Masyadong agresibo si Lola Belen sa mga salita niya. Halata na galit na galit
Huling Na-update: 2025-05-01
Chapter: Chapter 141Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Huling Na-update: 2025-02-21
Chapter: Chapter 140Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Huling Na-update: 2025-02-20
Chapter: Chapter 139Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Huling Na-update: 2025-02-20
Chapter: Chapter 138Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Huling Na-update: 2025-02-19
Chapter: Chapter 137Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
Huling Na-update: 2025-02-18
Chapter: Chapter 136"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka
Huling Na-update: 2025-02-17