Pagkarating ni Rafael sa ospital, halos masakal siya sa kaba nang madatnan niya si Nica na nakaupo sa gilid ng kama, namumugto ang mga mata at mahigpit ang pagkakayakap sa sarili. Parang nawalan ng kulay ang buong mundo niya sa itsura ng babaeng mahal pa rin niya kahit ilang taon nang lumipas.
“Nica,” mahinang tawag niya, pero puno ng kirot at pag-aalala ang tinig.
Napatingin si Nica sa kaniya. Agad na tumulo ang luha sa pisngi niya. Hindi na niya napigilan. Wala na siyang lakas upang itago ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Lumapit si Rafael at dahan-dahang naupo sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ni Nica, ngunit marahang iniwas nito.
“Rafa, please... huwag mo nang palalain,” garalgal ang boses ni Nica.
“I won’t let this slide, Nica. Hindi ko hahayaang makaligtas si Camilla sa ginawa niya sa’yo,” mariing sabi ni Rafael. “I’m filing charges. Attempted homicide iyon.”
Umiling si Nica habang nagpupunas ng luha. “Wala namang namatay. Saka… alam kong hindi niya intensyon. Galit