Share

Kabanata 31

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 06:07:22
Sa opisina ni Rafael, nanlaki ang mga mata ng assistant niya nang biglang pumasok si Camilla, kasunod ang mga magulang nitong sina Agnes at Gerald Luceros. Bakas sa mukha ng tatlo ang tensyon at galit.

“Rafael!” sigaw ni Agnes habang malakas na ibinagsak ang pinto. “How dare you file a case against Camilla?!”

Umangat ang tingin ni Rafael mula sa kanyang laptop. Hindi siya kumibo. Pinagmasdan lamang niya ang tatlo, ang pagkabigla sa mukha ni Camilla at ang pagngangalit ng bagang ng ama nito.

“Hindi ko palalampasin ‘yong ginawa niya kay Nica,” matigas niyang sabi, sabay tayo mula sa upuan. “She almost killed her.”

Camilla stepped forward, umiiyak, nanginginig ang boses. “Rafael, please… I didn’t mean it. Hindi ko sinasadya. I was just driving. Hindi ko naman alam na si Nica pala ‘yon!”

“So what if it wasn’t her? You were reckless, Camilla. Wala kang pake kung sino ang masaktan basta maibsan lang ang galit mo.”

Gerald slammed his fist on Rafael’s desk. “You’re choosing a maid over o
Deigratiamimi

Ayaw pa kasing paawat, Camilla. Napagsabihan ka tuloy ni Rafael ng rdtokada. 😆

| 3
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 34

    Nang makasiguro si Rafael na maayos ang lagay ni Nica at ng batang dinadala nito—na ligtas ang tibok ng puso ng sanggol at walang internal na pinsala sa katawan ni Nica—agad siyang umalis ng ospital, dala ang matinding galit at determinasyong wakasan ang pagpapahirap sa babaeng mahal niya.Hindi pa man sumasapit ang hapon ay bumalik siya sa probinsya. Bumaba siya mula sa itim niyang SUV, kasunod ang dalawang bodyguard at isang truck ng demolition team na kasama niya mula pa Maynila. Diretso siyang pumasok sa bakuran ng bahay ng mga tiyuhin ni Nica, hawak sa kamay ang dokumentong nagpapatunay na siya ang nagpagawa ng buong bahay at lupa ng mga ito.Naabutan niya ang mag-asawang sina Aling Lorna at Mang Temyong na nag-iinuman sa harapan ng bahay, may kausap pang dalawang lalaki at isang babae—mukhang kalaro sa sugal. Nagbubunong-braso sa mesa habang abala sa tagay at halakhakan. Wala ni isa sa kanila ang tila nag-alala man lang sa nangyaring insidente kaninang umaga.Ngunit natigil ang

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 33

    Napabuntong-hininga si Nica habang tanaw mula sa bintana ng sinasakyan niyang bus ang mga bukiring tila walang ipinagbago mula nang huli siyang umuwi. Mahigit isang taon na rin ang lumipas mula noong huli niyang nakita ang kaniyang ina, at ngayon, dala-dala niya ang halagang ₱100,000 — perang inutang niya kay Rafael, hindi para sa sarili, kundi para sa utang ng tiyahin niyang si Aling Lorna at para sa pagpapakumpuni ng bahay nilang halos gumuho na noon.Nang makababa siya ng bus, agad siyang sinalubong ng alikabok at sikat ng araw. Mainit, pero mas mainit ang kaba sa dibdib niya. Hawak ang maliit na bag, tinungo niya ang makitid na daan patungo sa kanilang bahay.Pero nang tumambad sa kaniya ang bahay nila, natigilan siya.“Ano ‘to…” bulong niya sa sarili.Ang dating tagpi-tagping bubong, ngayon ay kinang na kinang sa bagong yero. Ang mga bitak sa dingding, wala na. May bagong pintura, may bagong bintana — para bang hindi ito ang bahay na iniwan niya.Pumasok siya sa loob at halos mab

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 32

    Pagkarating ni Rafael sa ospital, halos masakal siya sa kaba nang madatnan niya si Nica na nakaupo sa gilid ng kama, namumugto ang mga mata at mahigpit ang pagkakayakap sa sarili. Parang nawalan ng kulay ang buong mundo niya sa itsura ng babaeng mahal pa rin niya kahit ilang taon nang lumipas.“Nica,” mahinang tawag niya, pero puno ng kirot at pag-aalala ang tinig.Napatingin si Nica sa kaniya. Agad na tumulo ang luha sa pisngi niya. Hindi na niya napigilan. Wala na siyang lakas upang itago ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.Lumapit si Rafael at dahan-dahang naupo sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ni Nica, ngunit marahang iniwas nito.“Rafa, please... huwag mo nang palalain,” garalgal ang boses ni Nica.“I won’t let this slide, Nica. Hindi ko hahayaang makaligtas si Camilla sa ginawa niya sa’yo,” mariing sabi ni Rafael. “I’m filing charges. Attempted homicide iyon.”Umiling si Nica habang nagpupunas ng luha. “Wala namang namatay. Saka… alam kong hindi niya intensyon. Galit

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 31

    Sa opisina ni Rafael, nanlaki ang mga mata ng assistant niya nang biglang pumasok si Camilla, kasunod ang mga magulang nitong sina Agnes at Gerald Luceros. Bakas sa mukha ng tatlo ang tensyon at galit. “Rafael!” sigaw ni Agnes habang malakas na ibinagsak ang pinto. “How dare you file a case against Camilla?!” Umangat ang tingin ni Rafael mula sa kanyang laptop. Hindi siya kumibo. Pinagmasdan lamang niya ang tatlo, ang pagkabigla sa mukha ni Camilla at ang pagngangalit ng bagang ng ama nito. “Hindi ko palalampasin ‘yong ginawa niya kay Nica,” matigas niyang sabi, sabay tayo mula sa upuan. “She almost killed her.” Camilla stepped forward, umiiyak, nanginginig ang boses. “Rafael, please… I didn’t mean it. Hindi ko sinasadya. I was just driving. Hindi ko naman alam na si Nica pala ‘yon!” “So what if it wasn’t her? You were reckless, Camilla. Wala kang pake kung sino ang masaktan basta maibsan lang ang galit mo.” Gerald slammed his fist on Rafael’s desk. “You’re choosing a maid over o

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 30

    Habang hawak ni Nica ang bag kung saan naroon ang pregnancy test kit na bagong bili niya mula sa botika, hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga daliri. Para siyang lutang habang naglalakad pabalik sa condo ni Rafael. Ilang beses niyang pinisil ang bag na hawak niya—parang gusto na niyang malaman ang sagot pero natatakot siya. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Please... sana hindi. Hindi pa ako handa." Mabilis ang tibok ng puso niya. Kasabay ng malalalim na hininga ay ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung dahil sa kaba, takot, o paghahanda sa katotohanan na posibleng magbago ang buong buhay niya muli. Habang tumatawid siya sa pedestrian lane, abala pa rin siya sa pag-iisip. Wala siyang kamalay-malay sa paparating na kotse mula sa kaliwa. Mabilis ang takbo nito. At ang mas masaklap—si Camilla ang nasa likod ng manibela. Wala sa sarili si Camilla habang hawak ang cellphone, sinusubukang tawagan si Rafael. Galit siya,

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 29

    Galit na galit si Doña Vivian Watson habang hawak-hawak ang telepono, mahigpit ang pagkakaipit nito sa pagitan ng kanyang balikat at tainga habang naglalakad paikot-ikot sa loob ng kanyang malawak na silid. “She’s working where?” matalim ang boses niyang tanong sa kabilang linya. “That girl—Nica Mendoza? In my hotel?” Nasa kabilang linya ang isa sa senior managers ng Watson Hotel Group. Nagdadalawang-isip pa ito kung sasagutin si Vivian nang buong katotohanan, ngunit alam niyang wala siyang choice. “Yes po, Ma’am. She’s been recently transferred under Mr. Rafael’s direct instruction.” Napapikit si Vivian sa inis. “Then remove her. Now.” “But—” “I said, remove her from the staff list. I don’t want to see her name anywhere near the company again,” madiing utos ni Vivian habang binababa ang telepono. Halos manginig sa galit ang boses nito. Hindi niya matanggap na mismong anak pa niya ang gumawa ng paraan para makapasok si Nica sa kompanyang kontrolado ng kanilang pamilya. Biglang bu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status