Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 67 - Second Honeymoon

Share

Chapter 67 - Second Honeymoon

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-06-23 11:57:08

Sa ikalawang pagkakataon, muli silang bumalik sa Tagaytay — ang lugar kung saan unang nag-ugat ang isang kasunduang puno ng pagtatago at paimbabaw na emosyon. Ngunit ngayon, wala nang kontrata, walang mga dahilan kundi tapat na pagmamahalan. Ito na ang kanilang second honeymoon ngunit hindi bilang pekeng mag-asawa, kundi bilang dalawang pusong pinaghilom ng panahon ang mga sugat, at natapuan ang tunay na pag-ibig.

Ang resort na dati nilang tinuluyan ay mas naging tahimik ngayong off-season. Ngunit sa mata ni Alexis, para bang mas maganda ang tanawin ngayon. Mas maliwanag ang araw, mas malakas ang hangin, at mas ramdam niya ang init ng kamay ni Ralph sa palad niya habang naglalakad sila palapit sa villa.

“Ano’ng pakiramdam ng bumalik sa eksena ng krimen?” biro ni Ralph habang inaakay siya sa loob.

“Mas okay naman ngayon… wala nang kontrata,” sagot ni Alexis na may mapang-akit na ngiti.

Pagsapit sa villa, inikot nila ang bawat sulok — ang sala kung saan sila unang naupo na magkalayo pa.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 84 - Unplanned Meeting

    Isang ordinaryong tanghali lang sana. Mainit ang araw at puno ang kalsada ng ingay ng mga sasakyan. Nais lang ni Ralph na manahimik sandali, malayo sa mga papeles, deadlines, at responsibilidad na kaakibat ng pagiging panganay sa isang tahanang hindi kanya. Kaya’t nagdesisyon siyang kumain sa isang tahimik na restaurant malapit sa opisina. Pagpasok pa lang niya, agad siyang inalok ng table ng waiter, pero hindi iyon ang agad na kumuha ng atensyon niya—kundi ang pamilyar na ngiti ng babaeng naka-upo malapit sa bintana, nakayuko sa menu, tila walang ideya kung anong surpresa ang naghihintay sa kanya. “Alexis?” tawag ni Ralph, halos hindi makapaniwala. Napalingon si Alexis. Napatingin. Natigilan. “Ralph?” tila parehong pagkagulat ang nagtagpo sa gitna ng tanghaling iyon. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang bumalot sa puso ni Ralph. Parang may liwanag na sumabog sa gitna ng araw na kay-init. Hindi niya inaasahan na makikita si Alexis—at sa ganitong paraan pa. Ang mata ng dalaga, bagama

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 83 - First Sign of Jealousy

    Madalas tahimik lang si Ralph kapag may kasiyahan o salu-salo sa bahay nila Julio. Habang abala ang iba sa kwentuhan at tawanan, siya naman ang nagbabantay sa mga pagkain sa mesa, sinisigurong ayos ang mga nakababata, at tahimik lang na umiinom ng kape sa gilid. Hindi ito agad napansin ni Alexis noong una. Pero habang tumatagal ang pagdalaw niya sa bahay nina Julio, unti-unting lumalalim ang pagka-curious niya sa lalaking halos hindi umiimik, pero palaging naroon kapag kailangan. “Kuya Ralph,” bungad minsan ng isa sa mga pinsan ni Julio, “pwedeng patulong po ayusin ‘tong bike ko?” “Dun mo dalhin sa labas, pakita mo sakin.” Walang yabang. Walang reklamo. Nakita ito ni Alexis mula sa terrace at napangiti. Tahimik niyang napansin — sa bawat kilos ni Ralph, may responsibilidad. May pagkalinga na hindi kailangang ipagsigawan. Isang hapon, nadatnan ni Alexis si Ralph sa likod bahay, nagwawalis ng mga tuyong dahon. Nakasando lang ito at mukhang pawis na pawis na, pero hindi alintana ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 82- A Little Fondness

    Habang nakaupo sina Ralph at Julio sa garahe, nilalanghap ang preskong hangin at may tig-iisang bote ng softdrinks sa kamay, biglang nagsalita si Julio. Wala sa tono ng biruan. Wala ring bakas ng pagbibiro sa mata.“Alam mo, Kuya…” panimula niya, habang pinaglalaruan ang tansan ng bote. “Si Alexis, mabait. Maalaga. Galing sa maayos na pamilya. Hindi ko siya mahal, pero ayokong mawala siya.”Napalingon si Ralph, bahagyang napakunot ang noo. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng pag-amin.“Anong ibig mong sabihin?” mahinahon niyang tanong.Napabuntong-hininga si Julio. “Gusto ko siyang maging asawa balang araw. Kasi mabuting babae siya. Responsible, mapagmahal sa pamilya… parang wife material, ‘di ba? Pero hindi ko siya mahal. Hindi ko rin alam kung kailan ko siya mamahalin. Pero sigurado akong ayokong mapunta siya sa iba.”Sa isang banda, naintindihan ni Ralph ang sinasabi ng binata. May mga taong hindi ganap ang pagmamahal, pero hindi rin handang bitiwan ang merong maayos na samaha

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter - First Glimpse of Her

    Ang araw na iyon ay isang ordinaryong Sabado para kay Ralph Santillan—isang araw ng tahimik na pahinga mula sa stress ng mga court hearing at legal consultations. Katatapos lang niya ng isang mabigat na kaso tungkol sa isang babaeng biktima ng domestic abuse, at sa wakas ay may pagkakataon siyang mag-relax. Nag-aya si Julio ng dinner sa bahay ng mga magulang nila sa Batangas. “May ipapakilala ako sa ’yo,” anang lalaki sa tawag. Walang binanggit na detalye, pero parang may tinatagong excitement sa boses.Nakangiti si Ralph habang pumapasok sa lumang gate ng bahay ng mga Menandro. Dito siya lumaki, at kahit ilang taon na siyang nakahiwalay ng tirahan, laging may kakaibang ginhawa tuwing bumabalik siya. Tumambad sa kanya ang tanawin ng long wooden table sa garden, may puting linen at mga fresh flowers na nilagay ni Mama Lisa. Tila may espesyal nga na okasyon.Doon niya unang nakita si Alexis.Sa ilalim ng mahinang ilaw mula sa mga string lights na nakasabit sa puno ng mangga, may isang b

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 80 - Ralph's Past

    Makulimlim ang langit noong araw na iyon—tila may pakiramdam ng malapit na sakuna. Walong taong gulang pa lamang si Ralph Santillan, tahimik na nakaupo sa likod ng sasakyan habang nakikinig sa pag-uusap ng kanyang mga magulang. Puno ng pangarap ang usapan tungkol sa magiging kapatid niyang isisilang pa lamang, sa mga plano nila para sa future, sa weekend na bonding nilang pamilya. Hindi alam ng batang si Ralph, iyon na ang huling pagkakataong maririnig niya ang tinig at ang huntahan ng kanyang ina’t ama.Isang iglap. Isang malakas na preno. Isang sumalpok na trak. Pagkatapos, katahimikan. At sa gitna ng dugo, basag na salamin, at umiiyak na ambulansya, si Ralph na lamang ang natirang buhay. Ang kanyang ama, isang kilalang negosyante, at ang kanyang ina, isang dating guro na walong buwan nang buntis—kapwa kinuha ng trahedya.Pait, takot, lungkot—lahat ay sabay-sabay na bumagsak sa murang balikat ng bata. Mula sa buhay na punô ng pag-aaruga at yaman, bigla siyang naging ulila sa loob la

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 79 - Acceptance

    Matapos ang matagumpay at matapang na pagharap ni Ralph sa media, isang tawag mula kay Mama Lisa ang muling gumising sa tahimik nilang gabi. Hindi ito galit—kundi pagod at puno ng lungkot.“Anak, si Julio… tila hindi na niya kayang kimkimin ang lahat. Baka ito na ang tamang panahon para kayong magharap nang maayos.”Dumating ang araw ng paghaharap. Sa isang lumang coffee shop malapit sa kanilang pinagsamahan noon bilang magkapatid sa puso, naupo si Ralph sa isang mesa, bitbit ang bigat ng taon ng galit, selos, at tampo. Hindi para manumbat, kundi para makinig.Dumating si Julio, seryoso ang mukha, halatang galing sa ilang gabi ng walang tulog. Tahimik muna silang nagkatitigan, at kahit walang salita, ramdam ang bigat ng nakaraan.“Ano pa ba’ng gusto mong patunayan?” tanong agad ni Julio. “Na mas magaling ka sa’kin? Na mas mahal ka niya kaysa sa’kin?”Umiling si Ralph, pinanatiling kalmado ang tinig.“Wala akong gustong patunayan. Gusto ko lang matapos ‘tong di pagkakaunawaan natin. Ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status