Search
Library
Home / Romance / The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance / Kabanata 1
The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance
Author: Innomexx

Kabanata 1

Author: Innomexx
2025-06-22 14:42:30

Andreana Steff Velazquez

I smirked to myself as I stepped out of the airplane. Kararating ko lang galing Italy, nag-vacation ng halos isang buwan.

I definitely didn’t miss the Philippines, but I had no choice. This is where I live, so of course, I had to come back. At isa pa, ngayon isasagawa ang pagpapabagsak sa mga Vergara!

I let out a cold chuckle. They’ll finally be destroyed…that wretched, eyesore of a family!

Sinuot ko ang sunglasses ko bago ako naglakad palabas ng airport. Tumawa ako nang hindi pa ako nakakalabas ng gate at tumunog na ang cellphone ko.

Let's see… this might be Scarlet or Mr. Herrera. It has to be one of them.

Tinignan ko ang caller at nakitang si Mr. Herrera yon.

"Hello, Mr. Herrera," I greeted. I was in a good mood despite the busy airport.

“Are you already here in the Philippines, Attorney?” tanong niya.

I smirked. “Oh yes, Mr. Herrera. Kakarating ko lang. If you want to meet, I can arrange a schedule today.”

Kaya ‘yon ang ginawa ko. Siya ang gagawa ng kaso laban sa mga Vergara. I collected evidence he could use against them. Hindi naman matagal ang pagkikita namin… we just went over the case again para siguradong walang palya.

Nakatitig ako kay Mr. Herrera habangg pinapakinggan namin ang isa sa ebidensya na nakuha ko. Isang phone record kung saan nag-uusap ang dalawang tauhan ng mga Vergara.

“Wag pakialaman ang babae. Target lang si Ortega. Pero kung makialam siya—alam mo na ang gagawin,” sabi ng isang tauhan nila sa kausap niya sa phone.

“Gusto ko lang malinaw... Walang ebidensyang mag-uugnay sa atin?” sagot naman ng isa pang tauhan nila. They were talking over the phone.

“Wala. Lahat disposable. Sasakyan, baril, cellphone…lahat lilinisin pagkatapos. Wala tayong iniwan na bakas. Mismong si Senior Vergara ang nagplano.”

“Sige. Kung ’yan ang gusto ng matanda, susunod tayo. Pero kung pumalpak ’to…”

“Hindi papalpak. Basta gawin mo lang ang parte mo.”

Pinag-uusapan nila ang planong ambush na gagawin nila sa Ortega na ‘to—na apparently ay kumakalaban daw sa pamilyang Vergara. They specifically mentioned that it was Señor Vergara who ordered them.

I gritted my teeth when I remembered how I’m very much an orphan now because of a damn ambush!

“This will ruin them,” nasasabik na sabi ni Mr. Herrera sa akin.

“Yes,” nakangiti kong sagot. My voice was laced with malice.

Matapos ng private meeting na iyon ay umalis na ako. Siya na ang bahala sa lahat. Wala kaming ugnayan. I didn’t give him evidence. Yon ang usapan namin. Hindi dapat ako sasabit sa kasong isasampa niya.

I was betrayed!

Nadawit ko pa ang kaibigan ko dahil may isang ebidensyang sa kanya galing. She was also mad at Lucian Vergara, and I somehow convinced her to help me collect evidence against them. At ngayon, tinutugis ng mga tauhan ng mga Vergara.

Everything happened so fast. Isang araw, kararating ko lang galing Italy. Nag-usap pa kami ni Mr. Herrera tungkol sa kasong isasampa niya. Nakipagkita si Scarlet, ang kaibigan ko, para itanong kung itinuloy ko pa ba ang paggamit ng ebidensyang galing sa kanya…kasi takot siya sa mga Vergara, baka raw may mangyaring masama sa kanya.

I was telling her to calm down when she got hysterical. Pinapakalma ko siya at sinasabing hindi kami madadawit. I trusted Mr. Herrera. And I was wrong to trust him!

Hindi ko alam kung gaano kalupit ang mga Vergara, pero nagawa nila kaming i-kidnap sa isang iglap lang!

“This is all your fault!” sigaw sa akin ni Scarlet, galit na galit.

Nasa isang silid kami na wala ni isang bintana. Ang pintuan ay rehas. May CCTV na nagbabantay sa amin.

Matapos kaming habulin ng mga tauhan ng mga Vergara at patulugin gamit ang isang drug, paggising namin, nandito na kami! And we've been here for days. Wala kaming alam sa nangyayari sa labas. Wala kaming naririnig na ingay, at pati oras ay hindi na rin namin alam. Mga tauhan lang ng Vergara ang mga nandito. Pero ang alam namin, parating din ang boss nila para i-torture kami sa kasalanan namin.

As much as I don’t want to admit that it was my fault, parang kasalanan ko naman talaga!

At kailangan naming makatakas dito!

“What if we destroy this?” suhestiyon ko habang nakahawak sa padlock. Kanina pa ako nag-iisip ng pwedeng gawin, pero puro negative ang sinasabi ni Scarlet.

“May CCTV, Andrea. At anong isisira mo dyan? Wala tayong kahit anong matigas na bagay ditong pwedeng gamitin!” frustrated niyang sagot.

I sighed heavily — naiinis na!

“Kung mag-isip ka rin at hindi ka puro angal dyan!” inis kong baling sa kanya.

Alam ko na ang susi sa padlock na 'to ay nasa lalaking nagdadala ng pagkain sa amin. If only I could distract him and Scarlet would cooperate! Kaso parang ako lang talaga ang maaasahan dito!

Napalingon ako sa labas nang marinig kong may bumukas na pintuan sa malayo. Bumaling ako kay Scarlet na halos wala sa sarili. I exhaled sharply. I have to do something!

“Tangina mo, Scarlet. This is all your fault!" I screamed so loud.

Kita ko ang pagkagulat niya at ang panlalaki ng mga mata niya sa sigaw ko. I tried so hard to bring tears to my eyes para maging convincing ang gagawin ko.

“Andrea what…”

“Shut up!” putol ko sa kanya.

Mas lalo pa akong nagwala nang marinig kong may lumalapit na sa amin.

“Dinamay mo ako! Tangina mo!” sigaw ko sabay na humagulgol.

Scarlet couldn’t understand what was happening. She was mortified!

“Anong nangyayari dito?” galit na tanong ng lalaking nagbabantay sa amin.

“Iyang babaeng yan! Manggagamit!” nanlilisik na matang sabi ko.

“What? Can you just shut up?!” Scarlet snapped — exactly the reaction I wanted from her.

Humawak ako sa buhok ko at halos sabunutan ang sarili.

“Ilabas niyo yan dito! I will kill her!” I screamed so loud again. Bumaling ako sa lalaki at nanlilisik ang mata ko sa kanya.

“What the hell is your problem?” sigaw na rin ni Scarlet.

I groaned angrily. Kunwari akong susugod kay Scalet nang napigilan ako ng lalaki sa labas. Nahawakan niya ako at idiniin sa rehas. Mahigpit niya akong ginapos para hindi ko malapitan si Scarlet.

I was shocked that my plan worked. Tingin ko kasi ay ayaw nilang may mangyari sa amin habang wala pa ang boss nila, kaya naisipan kong mang-away.

“Tumahimik kayo! Pagdating ni boss ay saka na kayo magpatayan!” sigaw ng lalaki sa amin…nagagalit narin.

Kunwari akong nanlaban hanggang sa feeling ko, hindi na maramdaman ng lalaki kung kukunin ko ang susi sa gilid niya.

Kinapa ko ang susi habang patuloy na nanlalaban, kunwari gustong-gusto ko talagang patayin si Scarlet. I bit my lower lip when I finally got the key!

“Bitawan mo ako! Papatayin ko yang babaeng yan!” sigaw ko kahit nakuha ko na ang susi.

“Ikaw ang papatayin ko kung hindi ka pa titigil!” banta ng lalaki.

“Andrea, stop! Hindi lang ako ang may kasalanan dito! Ikaw rin!” sigaw ni Scarlet sa akin—now playing along with my plan. Nakita niya ang pagkuha ko ng susi. Buti na lang at wala siyang naging reaksyon doon.

“Tumahimik kayo!” malakas na sigaw ng lalaki. Nawawalan na ng pasensya.

I smirked secretly. Tumigil na ako dahil nakuha ko naman na ang gusto ko.

We will get out of this place! Hindi ako papayag na ma-torture kami dahil sa kagagawan ko!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP