Share

Kabanata 2

Author: Innomexx
last update Last Updated: 2025-06-22 14:43:14

Nakatakas kami ni Scarlet. Hingal na hingal kami habang tumatakbo. Halos hindi kami tumigil para lang masigurado na hindi na nila kami abutan.

Hating gabi nang tumakas kami. Hindi namin namalayan na inumaga na kami. Akala ko ay wala nang katapusan ang paglalakad namin pero nanlumo ako nang mapagtanto kong nasa isang isla kami. Narating namin ang isang cliff.

What the hell?

“Are we on an island?” pinaghalong gulat at panlulumo kong tanong.

I stared at the cliff critically. Kung tatalon man kami, masyadong malakas ang alon. We could die!

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Paano kami aalis nito? I can’t let myself die here! Hindi pa bumabagsak ang lintik na mga Vergara!

I'm tired. No, we're tired but we didn't let ourselves rest! Tapos ito ang dadatnan namin?

I was thinking how we were going to get off the island when we heard a helicopter hovering above us. Kita kong mabilis na dumikit si Scarlet sa isang puno kaya nataranta ako at naghanap din nang matataguan.

And to my horror, narinig ko rin ang mga boses sa malayo. Nakaramdan ako ang kaba. I was too confident na makakaalis kami pero nang mapagtanto kong nasa isla kami, medyo nanghina ako.

Tumakbo si Scarlet pagkaalis ng helicopter. Sumunod ako kahit naiisip na tumalon na lang sa cliff. At dahil distracted ako, hindi ko namalayan ang isang bato — sumabit ang paa ko roon at nadapa ako!

Iritado akong binalikan ni Scarlet. She helped me even though we were hearing those men. Pinauna niya ako, at doon siguro kami nagkahiwalay.

I was running painfully when suddenly I was pinned on the ground.

Napasinghap ako nang bigla akong natumba—padapa. Tumama ang katawan ko sa lupa. Then I felt a hand on my back, stopping me from moving. Mabilis ding nahuli ang dalawa kong kamay at agad itong iginapos sa likod ko.

Sunod-sunod ang paghinga ko… dahil na sa pagod at takot. Ang sakit na ng paa ko dahil sa pagkakadapa ko, ang sakit narin ng katawan ko.

“Let me go!” sigaw ko.

Sinubukan kong gumalaw pero mas diniinan ako nang kung sino man ang nakahawak sa akin.

“Going anywhere?” tanong ng lalaki. He was being sarcastic and ruthless. “Don't think you can run away,” bulong niya malapit sa tenga ko. Nangilabot ako dahil sa lapit niya.

“Fuck you! Get off me!” sigaw ko ulit nang maramdaman kong dinaganan niya ang hita ko gamit ang tuhod niya.

Tumawa ang lalaki. Natutuwa siguro dahil nahihirapan ako.

“My my! Such a filthy mouth you have,” panunuya niya. He then chuckled. “You're under my mercy. I could punish you if you don't behave.”

Napasinghap ako sa narinig.

Nang tumayo ang lalaki, marahas din akong naiangat dahil hawak niya ang kamay ko. Hindi ko pa rin siya makita dahil nasa likod ko siya, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalis ang kamay ko sa pagkakagapos niya!

“Let me go!” I screamed, struggling to get away.

Buong pwersa kong ginamit ang bigat ko para mabitawan niya ako kaya sumubsub ulit ako sa lupa nang bigla niya akong bitawan!

I grunted in pain. Kahit masakit na ang katawan ko, ginawa kong humarap para makita ko ang lalaki.

And there…I saw him!

My breath hitched when I saw one of the Vergaras! Doon na talaga ako kinabahan. Akala ko isa lang siya sa mga tauhan nila.

I know he’s Anton Vergara. Hindi ako pwedeng magkamali. Halos kilala ko ang lahat ng mga Vergara. Una kong nakasalamuha sa kanila si Lucian.

Sa lahat ng pwedeng makahuli sa akin… siya pa talaga? Kung tama ang research ko, isa siyang general!

My heart beat wildly now that I'm seeing the guy. Yong inaakala ko na makakatakas ako, parang malabo na!

Nang naglakad siya palapit sa akin, gumapang ako paatras.

Kita ko ang pagtaas ng kilay niya. And then, amusement plastered on his damn face.

“Scared?” he taunted, smirking ruthlessly.

Dalawang hakbang niya lang nang naabutan niya ako. He knelt down and immediately grabbed my feet, making sure I couldn’t get away.

Sinubukan kong sipain ang kamay niyang nakahawak sa isang paa ko pero nahuli niya rin ang isang paa ko.

“Easy…” he mocked, chuckling a bit.

I gritted my teeth. I tried to kick him again. Nakawala ang isang paa ko at natamaan ko siya sa panga. And I think it was a wrong move. Kita ko ang unti-unting pagkawala ng humor sa mukha niya. His jaw ticked—and then he harshly pulled my feet toward him. Napahiyaw ako sa rahas niya bigla.

Nilagay niya ang dalawang paa ko sa magkabilang gilid ng bewang niya, kaya naging awkward ang posisyon namin. Then he leaned in and placed one hand beside my head.

“Asshole!” I spat, even though I was afraid. Ang lapit na niya sa akin. I hated how he was looking at me while I was stuck in such a vulnerable position.

Napalunok ako nang makita kong umigting ang panga niya. I messed up. I pissed him off!

Napahiyaw ako nang hablutin niya ang kamay ko sabay tayo niya. Napilitang tumayo rin ako kasama siya. My feet slipped off his waist and landed on the ground.

Wala akong nagawa nang marahas niya akong kinaladkad pabalik sa kung saan kami nanggaling ni Scarlet.

I want to cry in pain. Ang sakit ng paa ko dahil sa pagkakadapa kanina pero ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako.

Kahit ang totoo, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. If the rumor is true na ina-assassinate nila ang mga kalaban nila, ano pang magagawa ko para makapaghiganti?

I can't believe I failed!

I should've just jumped off that cliff! Mas may chance pa akong mabuhay kaysa ngayon.

Marahas akong hinila ng lalaki dahil sa bagal kong maglakad, kaya muntik na akong madapa. My sprained foot hurt even more, kaya napakagat ako ng mariin sa labi.

Mas nagdepena ang hindi ko maayos na paglalakad. Kung kanina ay naitatapak ko pa ang paa ko nang hindi gaanong masakit, ngayon, halos hindi ko na ito maitapak sa sobrang sakit.

Iritado ulit akong hinila ng lalaki dahil sa bagal kong maglakad kaya nadapa na ako nang tuluyan. This time, hindi ko na napigilan at napahiyaw ako sa sakit. Tears came out of my eyes and I hated it!

Nakaluhod ako sa lupa habang ang isang kamay ko ay hawak pa rin ni Anton.

“Don’t you know how to walk!” he snapped.

Hinila ko ang kamay ko palayo sa kanya, pero hindi niya binitawan. Instead, hinila niya ito para mapatayo ako. Napahiyaw ako sa sakit—hindi ako tuluyang nakatayo. Ngayon ay sumasakit narin ang balikat ko dahil sa pagkakahila niya.

“I sprained my feet!” naiiyak kong sigaw.

I heard him click his tongue in annoyance. Hinawakan niya ako sa bewang at saka ako pinatayo.

When I looked at him, I was met with his red, irritated eyes.

“Don’t expect me to feel sorry for you just because you sprained your foot,” he snapped irritably.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Nghiganti nga wla nmn plng alam khit self defense lol
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance   Kabanata 85

    Leon VergaraIt's been one year and months since Francesca was gone. Ang tagal niyang nawala. I stretched my people outside the Philippines just to find her, pero hindi ko pa rin siya mahanap. But one thing is for sure…wala siya sa Pilipinas.I had confronted Yana about her, and she confirmed it. Magkapatid sila. I now know why she left. It’s not because she doesn’t like me. It’s about their family conflict.My grip on the steering wheel tightened when I arrived at the hotel where I’d meet Tito Arthur. Mahirap makakuha ng oras niya kahit family friend sila ng pamilya ko. I’d been trying to meet and talk to him, pero inabot ako ng ilang buwan bago ako nakakuha ng oras para makausap siya. It’s obvious that he doesn’t want to talk to me.I have high respect for Tito Arthur, but when I learned what he did to Francesca, I couldn’t help but feel mad at him — kahit pa sabihin na family friend siya. It’s no secret that he and Tito Rodrigo are more like brothers, but what he did to Francesca w

  • The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance   Kabanata 84

    Having Luna on my side is easy, but as I expected, Mommy is not. Nagkatotoo nga na siya pa itong ayaw pumayag sa gusto kong gawin. Hindi naman ako pwedeng maging idol nang hindi nila nalalaman. I still need them to know para aware sila sa mga mangyayari.“Nakalimutan mo na ba kung bakit tayo umalis ng Pilipinas? Para iwan ang dati mong buhay! What you are planning to do now will only make you come back to that old life, Francesca!” iritadong sabi ni Mommy sa akin.I groaned in frustration. Kanina ko pa gustong ipaintindi kay Mommy na iba na ang sitwasyon ngayon.“Mommy, listen. Kaya ganon ang ginagawa ni Arthur sa akin ay dahil mas madali sa kanya na ako ang pinapatahimik niya kaysa sa ibang taong nagpapakalat ng rumor. Imagine if I get known by many people… mahihirapan siya. He can’t silence me like before. He can’t do what he was doing to me kasi marami na ang nakakakilala sa akin. Mapipilitan siyang ang mga nagpapakalat ng rumor ang puntiryahin niya.”“How about Baby Gio? You will

  • The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance   Kabanata 83

    Dahil gamit ni Luna ang kotse niya, nag-convoy kami patungo sa condo niya. Hindi naman malayo ang lugar niya, mga twenty minutes’ drive lang. Sabay kaming nag-park pagdating namin.Nang naglalakad kami sa lobby, tahimik ako. Pansin ‘yon ni Luna kaya tingin siya nang tingin sa akin. Nakakunot ang noo niya.“You were so sure before na hindi ka papayag na maging idol. Anong nangyari?” hindi niya napigilang tanong.Akala niya ‘yon lang ang sasabihin ko sa kanya. Well, she’s wrong. I have many things to say. I need her on my side.“Sa unit mo na, Luna. I have many things to say.”“Malamang, Francesca! Plano natin na magtatrabaho tayo! Tapos malalaman ko ngayon na magde-debut ka?”I sighed heavily. Nakahalukipkip si Luna habang tumataas ang elevator sa floor niya. Tahimik lang ako. Nang marating namin ang tamang palapag, sabay kaming lumabas.Pagtapat namin sa unit niya, mabilis niya ‘yong binuksan, eager to know what I have to say. Dumiretso siya sa couch niya at agad na umupo doon.Umupo

  • The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance   Kabanata 82

    Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. I have to stare blankly at my phone while processing my thoughts. For a long time, akala ko ay si Michaela na at Leon. Tapos malalaman ko ngayon na hindi pala sila!And then what? Kasama ako sa magde-debut? How is that even possible? Alam ba ’to ni Davis?Sa buong araw na nagbabantay ako kay Baby Gio, hindi ako mapakali. Eleanor wanted me to go to the agency para ipakita sa akin ang teaser ko. May access siya kasi may kapit sa management. Kaso hindi ko naman maiwan si baby Gio.It was around six in the evening nang dumating sina Mommy. Hindi na ako nag-dinner sa bahay. Agad na akong pumunta sa company.Habang papunta ako, hindi ko maiwasang kabahan. Something shifts the moment I get to know Leon is not together with Michaela. Parang okay lang sa akin ngayon na mag-debut. It is thrilling now to be discovered. To be known! Though Mommy didn’t know anything about this. Pero I need confirmation first before I tell them.Agad akong nag-park sa palagi kon

  • The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance   Kabanata 81

    My weekend was spent productively. Last night, late akong natulog dahil may ginawa akong mga activity para sa master’s ko. Pwede naman gawin sa ibang araw, pero naiisip ko na baka makalimutan ko — lalo na ngayon na nag-eenjoy ako kapag nasa training ako — kaya ginawa ko na lahat kagabi.Ngayon na kagigising ko lang, kita ko agad ang orasan sa nightstand ko. It’s already ten in the morning. Umupo ako sa kama at saka nag-unat. Kalaunan din ay pumasok ako sa bathroom para maligo. Lumabas lang ako pagkatapos at nang nakaramdam ako ng gutom.Walang tao sa sala paglabas ko. Siguro ay nasa kwarto ni Baby Gio si Mommy. Buti na lang ay may pagkain pa para sa akin pagdating ko sa kusina. Agad akong nagsimulang kumain.I was in the middle of eating nang biglang pumasok si Daddy galing sa labas ng unit. Natigilan ako sa pagkain.“Daddy? Hindi kayo nagtrabaho?”I’m not used to seeing Daddy in the unit. Kadalasan ay nasa opisina na siya sa mga oras na ito.Tumawa siya. “May party kaming pupuntahan

  • The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance   Kabanata 80

    Nanatili ako sa pintuan ng recording room dahil sa salubong sa akin nina Eliza. Pero agad din namang nawala ang excitement nila.“I said she might be one of the line-up. I am not sure,” bawi ni Eleanor. “I just heard it from the staff. I’m not sure.”“Aww, sorry. Gosh, Eleanor, you made Francesca hope for nothing,” ani Eliza.Umirap ako. Sabi naman imposible iyon. Alam ni Davis na hindi naman ako seryoso sa training na ‘to. I am all here because, truth be told, I like how the training is doing to me. Aside from an overall health benefit, the training also helps me be confident in everything I do.Lumapit ako sa kanila sa couch para makaupo na din. Doon ko lang din napansin na naroon na pala ang mga vocal coach at ready na sa magre-record ngayon.“I didn’t hope for it, Eliza. I don’t expect to be in the line-up.”Because that is just impossible!Pinanliitan ako ni Eliza ng mata. “Seriously, who wouldn’t want to be in the line-up? We all worked hard for this,” sabi niya in a matter-of-f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status