CHAPTER 277
Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Francis at naipilig na lamang nga niya ang kanyang ulo dahil sa kat*ngahan na ginawa niya noon na nagpaloko siya sa mag amang Nelson at Bianca.
“Mukhang ang saya saya nyo yata riyan ah,” sabi na ni Francis habang may matamis na ngiti nga ang nakapaskil sa kanyang labi habang naglalakad papalapit kila Sophia at manang Ester.
Agad naman na napalingon ang dalawa sa gawi ng nagsalita at napangiti na lamang din nga sila ng makita nga nila si Francis.
“Ali, nariyan ka na pala,” agad na sabi ni Sophia at saka nga niya sinalubong ng yakap si Francis.
Gumanti naman ng yakap si Francis dito at magaan pa nga niya itong hinalikan sa labi. Habang si manang Ester naman nga ay matamis din na nakangiti habang nakatingin sa dalawa dahil masayang masaya talaga siya para sa dalawa dahil nagkaayos na nga ang mga ito.
“Kumusta? May problema ba?” tanong pa ni Francis kay Sophia.
“Mamaya na lang. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo d