“Siguro nga nakabuti pa ang ginawa mo na iyon. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil nagtiwala agad ako kay Raymond. Ginawa ko pa ang lahat para sa kanya dahil ang akala ko ay totoo na mahal niya ako. Pero isang kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon,” malungkot pa na sabi ni Sophia.
“Hayaan mo na lamang yun. Tapos na iyon at nangyari na ang nangyari ang mahalaga ngayon ay alam mo na ang tunay niyang kulay,” sagot ni Francis.
Isang malalim na buntong hininga na naman nga ang pinakawalan ni Sophia at bigla ngang sumeryoso ang kanyang mukha.
“Tama ka. Tapos na ang lahat ng iyon. At mabuti na rin na nalaman ko na talaga ang tunay niyang kulay. Kaya naman magbabayad siya sa ginawa niyang panlilinlang sa akin,” seryoso pa na sabi ni Sophia.
“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Francis dahil nag aalala siya sa maaaring gawin ni Sophia dahil baka mapahamak na naman ito.
“Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa akin,” sagot ni Sophia.
“Kung ano man iyang binabalak mo Phia ay sabihin mo sa ak