“Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito,” galit na sabi ni Raymond at saka nga niya sinenyasan si Kenneth. At nakuha naman nito ang ibig niyag sabihin at agad na nga nitong itinulak ang kanyang wheelchair palabas ng opisina ni Sophia.
Sakto naman nga na papalabas si Raymond doon ay dumating nga si Louie. Nagulat pa nga ito pagkakita kay Raymond pero kalaunan ay napangiti na rin nga ito ng makita ang galit nitong mukha.
“MR. Villamayor, naligaw ka yata sa aming kumpanya. Aayain mo rin ba kami na makisosyo sa iyong kumpanya?” ngingiti ngiti pa nga na sabi ni Louie.
Hindi naman nagsalita si Raymond at sinamaan lang niya ng tingin si Louie at pinadiretso na niya kay Kenneth ang pagtulak sa kanyang wheelchair.
Nang tuluyan na nga na makaalis si Raymond ay tatawa tawa naman nga na pumasok sa loob ng opisina ni Sophia si Louie.
“Anong nangyari sa isa na iyon? Hindi yata maipinta ang mukha niya,” sabi pa ni Louie at saka nga ito prenteng naupo sa may harap ni Sophia.
“Tsk. Hayaan mo sya, kuya. N