Search
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 5

Chapter 5

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-22 13:25:50

Hindi halos nagalaw ni Issa ang pagkain sa mesa. Nasa pribadong silid siya ng ama at nasa ospital pa rin. Isang linggo na ang lumipas matapos siyang makipagkalas kay Apolo at ipagtapat dito ang tungkol sa kasunduan nila ni Vince Sevilla. Magmula niyon ay hindi na nagparamdam pa ang dating-nobyo.

Hindi niya malasahan ang cereal na kinakain. Laman ng isip niya ang pinag-uusapan ngayon ni Vince at kanyang ina sa labas ng silid. Batid niyang inaayos ng binata ang nalalapit nilang kasal at ang muling pagkakabawi ng magulang niya sa mansion.

Kung hindi pa sa mahinang ungol mula sa nakaratay niyang ama ay hindi siya matatauhan. Nagising sa pagkakatulala si Issa at saka dali-daling nilapitan ang matandang lalaki.

"Pa..." her smile was faint. Natutuwa siyang gising at nakakapag-respond ang ama niya kahit sa mahinang pag-ungol lang. Gayunma'y hindi na halos naigagalaw ang buong katawan.

Natatabunan ng oxygen mask ang ilong at bibig nito. Malimit ay sa mata lang niya nababasa ang nais nitong ipahiwatig. "You're getting better, Pa. Ang sabi ni Doc, mga ilang araw ka na lang dito. Makakauwi ka na."

The old man uttered a silent cry. Alam niyang natutuwa ito.

Nasa ganoon siyang pakikipag-usap sa ama nang bumukas ang pinto at iluwa ang inang si Giselle at Vince. Sa kabila ng humpak na mga pisngi at nanlalalim na mga mata na sanhi ng ilang araw na 'di pagtulog ng maayos, kababakasan na ng ligaya ang mukha ng kanyang ina.

"Issa, anak, ako na ang bahala rito. Gusto kang makausap ni Vince," anang mama niya sa kanya.

Yumakap at nagpaalam siya sa ama bago lumabas ng silid kasama ang binata. Wala siyang ideya kung saan sila paroroon nito. Tila siya zombie na nakasunod lamang dito.

"Ang sabi ng mama mo'y hindi ka na halos kumakain. Come on, Issa, hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo," anito habang pumapasok sila sa elevator at bumaba sa underground parking.

"Saan tayo pupunta?" pagkikibit-balikat niya sa tila pag-aalala nito.

Lumakad sila ng binata patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Gamit ang smart key na in-unlock nito ang kotse. "Sa condo unit ko."

Buhat sa narinig ay napahinto si Issa. Nakakunot ang noo. "A-anong gagawin natin du'n?" naghihinalang sabi niya rito.

Napagkasunduan man nila ni Vince na magpakasal ay hindi ibig sabihing basta na lang din niyang ipagkakaloob ang sarili rito kung iyon man ang plano nito. Sapat nang tila ipinagbili niya ang kalayaan dito. Kung sa pagbibigay ng apo sa daddy nito'y hindi iyon dapat madaliin.

Amused na ipinagbukas siya ni Vince ng pinto sa passenger seat. Lumapit ito, saka magaang kinurot ang kanyang baba. "Come on, I won't rape you. We will just have dinner together. As if I had ever been forced myself to a woman before. Ladies will go crazy para lang mapagbigyan ko sila," ngisi nito.

She narrowed her eyes bago umirap dito. "Hindi ka rin mayabang, 'no?" aniya bago pumasok sa loob ng kotse. Ikinabit niya ang seatbelt bago pa ito ang gumawa niyon sa kanya.

"I can promise you one thing, Issa. I wouldn't be an ice cold at gagampanan ko nang maayos ang pagiging mabuting asawa ko sa 'yo—especially in bed," his voice was husky and before she knew, ikinukulong na nito ang kamay niya sa palad nito.

Kinintalan ni Vince ang bawat tuktok ng daliri niya, sapat na upang ipadama ang pamilyar na init na hatid nito sa kanya. Naligalig ang kanyang sikmura. Gusto niyang pumikit at damhin ang mapanghibok na halik sa kanyang daliri.

"S-stop," bigla niyang binawi ang kamay dito. Hindi tamang nakadarama siya ng ganoon. Hanggang sa mga oras na iyon ay laman ng isip niya si Apolo. Sinaktan niya ang huli.

She didn't just lose a loving man but also her best friend.

"Kung sex lang ang gusto mo, you can do anything you want pagkatapos ng kasal," aniyang hindi tumitingin kay Vince. "Gusto ko ng annulment oras na mabigyan kita ng anak dahil hanggang doon lang ang napagkasunduan natin. Kasal at apo, hindi ba?"

Walang imik na sinimulang paandarin ng binata ang sasakyan palabas ng parking. Nakapinid ang bibig sa kaseryosohan.

Nalululang pinagmasdan ni Issa ang tingin sa kabuuan ng unit ni Vince. Moderno ang istilo ng interior. Spacious and high-ceiling with exquisite furnishings and princely velvet drapes. Wala siyang maipipintas na kahit ano sa buong silid. Kung hindi siya nagkakamali'y pag-aari ng binata ang kabuuang gusali na isa rin sa pinaka-high-end condominiums sa buong Kamaynilaan.

"I hope hindi ko na-disappoint ang taste mo, my darling engineer," buong pagkaaliw siyang pinagmasdan ni Vince mula sa pagkakasara nito ng pinto.

"Let's not talk about my personal preferences. Pag-usapan na natin ang dapat pag-usapan," puno ng pormalidad niyang sabi bago humarap dito.

Ilang segundong nagpalitan sila ng tingin nito. Pagkuwa'y buntong-hininga na nahilot ni Vince ang sentido bago siya nilagpasan. "We're both tired, Issa. Pagkatapos kumain ay saka natin pag-uusapan ang kasal."

"Teka, saan ka pupunta?" kunot niyang nasundan ng tingin ang pagpanhik ni Vince sa hagdanan. Halata ang kapaguran sa mabibigat na hakbang nito.

"Bed," he replied shortly.

"Matutulog ka? Tutulugan mo ako?" her eyes widened in disbelief. Nang hindi ito sumagot ay dali-dali siyang sumunod dito hanggang sa marating nila ang kwarto sa ikalawang palapag.

Naroong basta na lamang ibinagsak ni Vince ang katawan sa king-sized bed at saka pumikit. Sa kabilang banda ay nakikisimpatiya siya rito. Tiyak niyang bago ito magtungo sa ospital ay buong araw itong nasa opisina lang at nagtatrabaho. Batid niyang mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa balikat ni Vince lalo't ayon dito ay malubha ang karamdaman ng ama.

"M-may stock ka ba? Titignan ko kung ano ang mailuluto ko," huli na para bawiin niya ang sinabi. Hindi pa ma'y tila siya asawang nagsisilbi rito.

Umangat ang sulok ng labi ni Vince at nanunudyong tumingin sa kanya. "Why, that's so wifey. But...—" hindi na tinapos ng lalaki ang sasabihin nang bigla siya nitong hinila mula sa pagkakatayo niya sa gilid ng kama.

Singhap siyang bumagsak sa mismong katawan nito na kung hindi lang niya naagapan ang sarili'y baka napasubsob na ang labi niya sa labi nito. Nanlalaki ang mata sa pagkabigla na napatitig lang siya kay Vince. Ang mga kamay ay nasa matipunong dibdib nito.

"We can cook and do the dishes together. But we need to rest first, darling..." anitong ikinukulong siya sa mga bisig nito. His voice was a bit raspy and sensually deep. Ang abuhing mata ay nanatili sa kanyang labi.

Her eyes gaped open as she felt the bulge between his legs hardened. His groin was poking and teasing it almost gave her a heart attack. She flushed. At bago pa niya maitulak palayo ang binata ay rumolyo itong bigla at sa isang iglap ay pinaimbabawan siya.

Nakangisi ito. "Remember what you said?"

She tried pushing him but he wouldn't budge. Parang malaking tipak ng bato na nakadagan ang dibdib ni Vince sa kanya. "W-what?" kandautal niyang sambit bagama't hindi maialis ang tingin dito.

"Bakit nga ba hindi natin pag-usapan ang pagbibigay ng apo kay Dad," kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata ng binata. "Better yet, simulan na natin ang paggawa ng baby—"

"No!" Nagpumiglas siya mula sa pagkakaipit nito sa kanya. Takot na gawin nga ni Vince ang kalokohang iyon.

Agad siyang tumayo nang pakawalan siya nito. He was laughing hard at sa kauna-unahang pagkakataon ay natulala siya rito. Ang pagkasindak niya'y kagyat nahalinhan ng pagkagulat. Buong pagtingin niya kay Vince ay hindi ito marunong tumawa, that he was but a sober, workaholic businessman.

Habang tumatagal ay napapadalas ang kapilyuhan nito.

"Hindi nakakatawa, Mr. Sevilla," aniya sa bahagyang pagkapika rito.

"Come on, Issa. Sooner or later, gagawin natin ang usual na ginagawa ng mag-asawa. I'm just trying to warm you up... turn you on. 'Cause after the wedding, I am without inhibitions."

Napalunok si Issa sa huling sinabi ni Vince. Naglalaro ang apoy sa mga mata nito pero sa kabila niyon ay ang kaseryosohan sa mga salita nito. Napaatras siya nang bumangon ito at lumapit sa kanya.

"Huwag kang umasta na parang magkarelasyon tayo. Sa papel lang tayo magiging mag-asawa at hindi ko obligasyon ang paligayahin ka sa kama," naiinis niyang turan dito. "Fine. Gamitin mo ako hanggang magsawa ka, pero hindi ako magre-respond gaya ng gusto mo!"

Muli'y pagbabago ng anyo ng binata. Makulimlim ang mukhang isinandig siya nito sa pader at mariing hinawakan sa braso. His jaw tensed as he cast a menacing look at her. "Hindi pa man, iniinsulto mo na ang pagkalalaki ko, Issa. Why, 'di hamak ba na mas magaling siya? Mas ginaganahan ka ba kapag ang boyfriend mo ang katabi mo sa kama?" puno ng malisya ang tinging ipinupukol nito sa kanya.

Naniningkit ang matang itinulak ni Issa ang binata. Bahagya lang itong natinag at nanatiling nakahawak sa kanya. "Huwag mong ipares si Pol sa 'yo. Disenteng tao siya! At mas gugustuhin kong makatabi siya sa kama kaysa sa 'yo—"

"What an impudent declaration! But you are mine now, Elisabeth, at obligasyon mo ang paligayahin ako. I don't fuckin' care kung pinagsawaan ka na niya!" Bago pa makakilos ay tuluyang sinakop ni Vince ang kanyang labi. He devoured her mouth like a bloodthirst vampire. Mariin nitong ipininid ang mga kamay niya sa magkabilang-gilid niya at saka pinagapang ang labi sa kanyang leeg at pagitan ng dibdib. He nibbled, suckled... leaving the ivory of her skin with the mark of his wet kisses.

"Stop it! No..." Muli'y pagpupumiglas niya. Naantala ang pagsigaw niya nang muling umangat ang ulo ng binata at ikulong ang mga salita niya sa mga labi nito.

"Hush, darling. This is no time for ruth."

Unti-unting nakadama ng panghihina ng tuhod si Issa na kung hindi sa mga bisig na nakasalo sa kanya'y baka natumba na siya. Ruthlessness, iyon ang ipinaparanas ni Vince sa kanya habang pilit itinataas ang kanyang blusa. He kneaded one of her breasts—firm and gentle at the same time.

A moaned escaped her mouth. Pinakawalan ni Vince ang mga kamay niya pero sa halip na itulak ito'y nanatili siyang nakahawak sa mapipintog na braso nito. Her hands lifted to reach his nape pero bago iyon ay bigla siyang lumutang sa ere. Pinangko siya ni Vince at mabilis na nailipat sa malambot na higaan. Unti-unting bumaba ang labi nito, fingers crawled underneath her brassiere. Kusang umarko ang kanyang katawan, letting out a soft groan as she felt his gentle bite across her belly.

She's never been touched like that before, neither kissed like that.

Lumalim ang paghinga ni Issa. Traydor ang kanyang katawan. Tiyak na pagtatawanan siya ni Vince oras na matapos ang gabing iyon. Sa naisip ay bigla siyang natauhan at maagap na humiwalay dito.

"Please, stop!" Hinamig niya ang sarili at saka tumayo.

Matinding pagkadismaya ang bumalatay sa madilim na anyo ng binata. He sighed in exasperation. Naupo ito sa gilid ng kama bago nagbitaw ng hindi kaaya-ayang salita. "Damn it, Issa! Fuck, but I need to soak myself in the cold shower!" Nagtatagis ang bagang na tumayo ito, saka walang lingon-likod na tinungo ang banyo sa mismong silid.

Hindi halos marinig ng dalaga ang malakas na lagaslas ng tubig sa shower. Tanging ang dumadagundong at mabilis na kabog sa kanyang dibdib ang kanyang naririnig. At bago pa muling lumabas ng banyo si Vince ay tinakbo niya ang pinto palabas ng silid nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP