BINUHAY NIYA PA rin ang makina ng sasakyan at dahan-dahang umalis sa parking lot ng hotel. Lingid sa kanyang kaalaman na lihim siyang tinatanaw ni Gavin mula sa loob ng nilisan niyang hotel. Nais sana siyang sundan ng binata ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin ang bagay na iyon dahil baka mas lalo pang magalit si Bethany kung desperadang hahabulin niya at pipigilan itong umalis.
“Sir, sure po kayo na hindi na kayo magpapa-laundry? Ibinilin po ng kasama niyo sa amin na—”
“Kapag sinabi kong hindi, hindi! Alin doon ang hindi niyo maintindihan?” anang binatang itinaas ang kamay upang pigilan ang kaharap na magsalita, pag-alis ni Bethany ay sumunod siya sa ibaba. Hindi alintana ang kanyang itsura. “Huwag kang makulit at paulit-ulit!”
“S-Sige po…Sir...”
Lumabas na rin si Gavin ng hotel nang makaalis si Bethany at nag-drive. Paglabas niya ng highway ay hindi niya na nakita pa kung saan nagtungo ang sasakyan ng nobya. Hindi niya na sinubukan pang tingnan ang tracker na lihim