ANG UNANG PINUNTAHAN ng dalaga ay ang kumpanya ni Patrick. Iyon kasi ang mas malapit sa lugar. Nasa meeting ang lalaki ayon sa front desk nang itanong niya kung nasaan ito. Iniwan na lang niya ang cheke, at ibinilin na ibigay iyon sa lalaki. Nang matapos ang meeting nito ay nakaalis na doon si Bethany.
“Ipinapabigay po sa’yo ni Miss Guzman, Mr. Hidalgo.” magalang na saad ng receptionist.
Nahulaan na ni Patrick kung ano iyon pero binuksan pa rin niya upang kumpirmahin. Mahina siyang natawa at kapagdaka ay kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang dalaga at magreklamo dito.
“Regalo ko ito sa’yo, bakit mo ibinalik? Alam kong kakailanganin mo ito eh.”
“Patrick, I am good. Hindi ko kailangan ng pera ng iba. At saka ang laking halaga kaya niyan.”
“Babayaran mo naman ito sa hinaharap eh, kumbaga pautang ko lang. Ipinahiram na walang interest.”
“Kilala mo ako, ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. At saka wala akong pagagamitan niyan. I am driving. Sa ibang pagkakataon na