MALALAKI ANG MGA hakbang at halos magbuhol na ang mga binti na tinungo ni Bethany ang elevator upang agad siyang makaakyat ng penthouse ng binata. Para na siyang kakapusin ng hininga. Hindi niya na gusto ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. May kakaiba sa tibok ng kanyang puso. Bumilis pa ang tibok nito na parang umaakyat na sa kanyang lalamunan habang lulan siya ng elevator. Itinipa-tipa na ng dalaga ang kanyang isang paa habang ang mga mata ay naktuon sa floor na kanilang dinadaanan. Inip na inip na siya. Kumabog pa ang puso niya habang papalapit siya nang papalapit sa palapag ng penthouse. Iyong tipong parang lalabas na iyon sa loob ng kanyang dibdib. Nanlamig na ang kanyang dalawang palad na makailang beses na ipinunas sa suot na damit. Tensyon na tensyon na siya.
“Kalma, Bethany, e ‘di sana tatawagan ka na ng kapatid niya kung may masamang nangyari. Think positive. Masamang thoughts, layuan mo ang isip ko. Please lang, huwag ngayon.” kumbinsi niya pa sa sarili kahit na