MAKAILANG BESES NG NAPAHILOT na sa kanyang sentido si Giovanni nang makitang nakarehistro ang pangalan ng kanyang pamangkin sa screen ng cellphone niya. Sumasabay pa talaga ito sa problema niya. Sa halip na sagutin ay pinatay niya na ang tawag dahil hindi rin naman sila magkakaintindihan ni Bethany sa ginagawang malakas na pagngawa ni Margie na akala mo ay kinakatay na baboy. Paulit-ulit nitong sinasabi na wala siyang kasalanan at marapat lang na hayaan niya. Hindi na natapos ang babae doon kahit pa namamalat na ang boses ng dahil dito.
“Pinatayan ako ni Tito ng tawag,” hindi makapaniwalang turan ni Bethany na hinarap na ang asawa na kakarating lang ng mansion ng sandaling iyon. Ipinahaba pa niya ang kanyang mga nguso dito.
Hilaw na natawa na si Gavin. Ilang beses na umiling. Hindi na rin malaman pa kung ano pa ang gusto nito.
“Hayaan mo na siya. Huwag mong sabihin ang tungkol kay Briel. Hayaan natin siyang maghanap sa mag-ina kung saang lupalop na ng mundo naroon.”
“Baka kasi busy ri