INUBOS NILANG MAG-ANAK ang natitirang oras na kalaro ang dalawang bata. Panay ang tingin ni Briel kay Giovanni. Iniisip pa rin ang ginawa nitong balikan paakyat at baba ng Baguio. Hindi niya man aminin ay nag-aalala siya na baka bumigay ang katawan nitong nagpapagaling pa rin.
“Hindi ka pa ba uuwi para magpahinga?”
Nang maramdaman ni Briel na tumingin sa kanya si Giovanni nang dahil sa biglang katanungan niya, iniiwas niya ang mga mata. Nagkunwaring may tinitingnang importante sa cellphone niya.
“Hindi sa pinapaalis na kita, kahit pa sabihing naka-chopper ka nakakapagod pa rin ang biyahe.”
Maliit na ngumiti si Giovanni kay Briel at kapagdaka ay tumayo na. Sinabayan niya ang mag-iinang kumain ng dinner. Hindi niya nakita ni anino ng dati niyang biyenan dahil wala dito. Nasa playroom pa rin sila noon at hinahayaang maglaro ang dalawang bata na nag-eenjoy pa rin.
“Inaalala ko lang ang malayong naging biyahe mo.” dagdag ni Briel nang di pa rin sumagot ito.
“Okay, uuwi na ako.” anunsy