MAGKASUNOD NA KUMANDONG sina Gia at Brian kay Giovanni na lantarang ikinairap ni Briel ng mga mata dahil harap-harapan ang ginagawang iyon ng kanyang mga anak sa kanya. Kapagdaka ay itinuro na niya ang mga anak na para bang may inggit na nakabalot sa mga mata.
“Ayan, ang Daddy niyo na naman ang favorite niyo? Samantalang ako naman ang mas naghirap sa inyo para lumaki kayo ng ganyan. Sige, ipagpalit niyo na lang ako sa Daddy niyo!” halukipkip pa niyang tila nagtatampo sa kanyang mga nakikita, “Diyan naman kayo magaling. May pinagmanahan talaga kayo!” diretsong akusasyon pa niya sa mga batang nakatingin lang naman.
Batid ni Giovanni na pabiro lang iyon kung kaya naman hindi niya mapigilang matawa lalo na nang tumingin sa kanya ang mga anak na pigil ang mapangisi dahil lasing na nga ang ina nila.
“Iwan ko na lang kaya kayong dalawa dito sa Daddy niyo at magbuhay-dalaga na lang ako?”
Kumibot-kibot na ang bibig ni Giovanni na aliw na aliw sa pagiging lasing na doon ni Briel. Sari-sari