Napangiti ako ng makita ang nakasimangot na mukha ng anak ko habang papalapit ako sa bahay.
"Bakit ngayon ka lang?" Malditang tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay kaya natawa ako."Ang strict naman!" Reklamo ko at kinurot ang pisngi nito. "Nagovertime ng konti si mama kasi kulang ng tao yung restaurant." Paliwanag ko at binuhat ito."Hmp! Did you buy me food!?" Malakas nitong sabi at mahigpit na yumakap sa leeg ko."Mamaya anak, hintayin muna natin si lolo okay?" Tumango ito at nagpababa. Pagod na umupo ako sa maliit naming sofa at pinanood na tumakbo si Thaeryxia papuntang kwarto namin. Pumikit ako ng konti para magpahinga, maya maya pa'y naramdaman ko ng umaakyat sa kandungan ko si Aera."Mama look!" Napadilat ako at tiningnan ang papel na hawak nito."Pwede na po kong magschool?" Tanong nito. Napangiti ako dahil marunong na itong magsulat ng pangalan nito."Tambay po ako kay teacher Arina kaya tinuturuan nya akong magwrite ng name ko." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Masyado na ba akong busy sa trabaho na yung obligasyon ko bilang ina hindi ko na nagagawa."Lolo!" Nabaling ang atensyon ko ng biglang sumigaw si Aera at tumakbo kay papa na kakarating lang."Aba, ang bigat bigat na ng Aera ko ah!" Napangiti ako at lumapit para kunin ang mga dala ni papa.Napakunot noo ako ng makita na dala na nito ang lahat nitong gamit sa trabaho."Pa, ano na naman to? Sisante na naman po kayo?" Napatingin ito sa akin at binaba muna si Aera bago kinuha sa akin ang mga gamit nito."May magandang offer yung kumpare ko sa manila." Napasapo ako ng noo at mabigat na pabagsak na umupo sa sofa."Ayan na naman po kayo pa, kapag hindi nyu na nagustuhan yung trabaho aalis kayo tapos lilipat na naman tayo." Reklamo ko."Hindi anak, maganda yung offer at saka malaki yung sweldo. Malapit ng mag aral yung apo ko kaya kailangan natin ng malaking pera, masyadong maliit yung sweldo dito sa probinsya." Paliwanag nito."Paano kung kayo na lang pumunta ng manila pa, tapos magpapadala na lang po kayo dito." Suggest ko na ikinakunot ng noo nito."Iiwan ko kayo dito!? Aba'y di pwede Zertyl pareho kayong babae dito. Hindi ako mapanatag na iwan kayo, masyadong malayo ang manila hindi ako basta bastang makallipad agad kapag may nangyaring masama sa inyo." Natawa ako ng mahina dahil nanlalaki ang mga nito habang nagsasalita.Napatingin ako sa gilid ng biglang may tumikhim. Napangiti ako ng makita ang anak ko na nakapamewang habang nakatingin sa amin ni papa."Pakainin nyu po muna ako bago po kayo mag away dyan, hmp!" Sabi nito at tumalikod saka dumiretso ng kusina. Nagkatingin kami ni papa at natawa.Pagkatapos ng dalawang linggo naiayos na rin lahat ni papa ang pag alis namin. Nag barko na lang kami para makatipid si papa, kaya lang hirap na hirap naman ako dahil sa kaartehan ng anak ko."Anak malapit na tayo sa manila, bibilhan kita agad ng masarap na ice cream wag ka lang malikot okay?" Pakiusap ko dito dahil napakakulit nito. Nakasimangot na ito at malapit ng dumikit ang mga kilay nito. Iniirapan nito lahat ng tumitingin sa amin."I wanna go home now!" Nagpapadyak na ito at tumalon talon sa inis. Nagpapaumanhin na tumingin ako sa mga tao na nasa paligid namin."Baby come here." Binuhat ko ito at inayos ang buhok. Malapit ng dumaong yung barko kaya bumalik na ako sa pwesto ni papa. "Ako ng bahala sa lahat ng gamit anak." Sabi ni papa na ikinatango ko. Yumakap sa leeg ko si Aera at binaon ang mukha nito. Hindi pa ito nakakain at natutulog kaya ang sungit sungit.Nakatulog na si Aera habang bumabyahe kami sa apartment na titirahan namin. Pero gumising rin ng makarating na kami. Inorderan ko ito ng pasta at ice cream para tumahimik na, akala ko matutulog na ito pagkatapos kumain pero nakikulit pa ito at tumakbo ng tumakbo sa loob ng apartment."Anak nagtatrabaho na waitres yung anak ng kumpare ko sa malaking restaurant kaya lang masyadong malayo, tatlong sakayan pa mula dito, malaki laki rin yung sweldo." Sabi ni papa habang kumakain kami ng hapunan."Kaya ko pong bumyahe pa kahit malayo pero hindi muna ako magtatrabaho hangga't di ko pa naeenroll si Aera. Kapag nagtrabaho agad ako, maiiwan dito si Aera ng mag isa mas mabuti ng nandun sya sa paaralan habang nagtatrabaho ako." Napatango si papa at napatingin sa anak na nakatulog na sa sala dahil sa pagod.Kinabukasan maagang umalis si papa dahil nagsimula na itong magtrabaho, nag iwan ito ng pera para ipang grocery namin ni Aera."Anak wag malikot okay? Masyadong malaking supermarket yung pupuntahan natin. Marami rin ang tao dun kapag nawala ka, bahala ka sa buhay mo." Babala ko dito na ikinanguso lang nito."So many jeep mama, di ba sila magbabanggaan?" Natawa ako at inalalayan itong tumawid. Kapit na kapit ito sa akin, takot na masagasaan dahil sa dami ng sasakyan.Nang makapasok kami ng supermarket ay halos humaba ang leeg nito sa kakatingin sa paligid."Wow mama toys!" Excited nitong sabi at napatalon, halos hilahin ako nito papunta doon."No no no baby, oh my god!" Stress kong sabi at hinila ito sa tabi."Baby we don't have money para magbuy ng toys." Kausap ko dito, napaiwas ito ng tingin at ngumuso, napakagat ako ng labi ng makitang naiiyak ito."I never had a toy." Mahinang sabi nito. Natigilan ako at di nakasagot. Napabuntong hininga ako ng makita yung pera, saktong sakto lang talaga iyon para sa groceries kapag bumili pa kami ng laruan wala na kaming pamasahe pauwi."Ganito na lang anak, kapag nagkatrabaho na si mama bibilhan kita ng maraming toys, kaya hintay lang muna anak, okay?" Mahinang pakiusap ko dito. Malungkot na tumango ito.Ng makaalis kami roon hindi na ulit umimik si Aera. Tahimik lang itong sumusunod sa akin habang bumibili kami. Binilisan ko na lang para makauwi na kami kaagad."Zertyl!?" Napalingon ako ng marinig ko yung pangalan ko."Oh my god bitch! It's really you oh my god, I miss you!" Hindi agad ako nakareact ng bigla akong yakapin ni Ashna. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang wala doon si Aera."A-ashna.""Hey! You just disappeard 5 years ago. What happened?" Napakunot noo ako sa sinabi nito. Nagpapanggap ba itong inosente? I can still remember what you did Ashna. Damn! Bakit di man lang pumasok sa isip ko na magcro-cross ulit ang mga landas namin dito."Ahm.... Ashna, I'm really busy right now. Nice to see you again, I have to go now, bye." Hindi ko na hinintay na sumagot ito at umalis na agad ako.Shit! Aera where are you!? Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito na nakaupo sa bench na may hawak na teddy bear."Thaeryxia Kane Gomez." Galit kong sabi ng makalapit ako dito. Napatingin ito sa akin at agad na ngumiti."Mama look! May isang guy na naglaro doon!" May tinuro ito sa malayo at pinakita sa akin ang teddy bear. "He don't like his prize so he gave it to me! Isn't it cute mama?" Napatitig ako sa anak ko at nakita yung kislap sa mga mata nya habang nakatinginsa teddy bear. Napabuntong hininga ako at binuhat na ito para makauwi na kami."He told me that he own this building. Is it true mama?""I don't know anak, pero sa susunod wag kang makipag usap sa hindi mo kilala, okay?" Sabi ko."But he is so kind kaya!" Sabat pa nito."Aera please don't forget na may kasalanan ka pa kay mama, you want me to get mad at you?" Ngumuso ito umiling iling saka niyakap ang teddy bear nito."I'm hungry na, can we buy a food?" Pag iiba nito ng usapan na ikinangiti ko."Sa bahay na anak, magluluto si mama." Sabi ko pero hindi ito sumagot kaya napatingin ako dito at nakitang may kinakawayan ito sa malayo. Napalingon ako at tiningnan ang kinakawayan nito."Sino yun baby?" Tanong ko."The stranger mama but he's gone na pagkatapos syang sapukin ng kasama nya.""W-what...." natawa ito ng mahina at yumakap sa leeg ko.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong umalis si Aera sa tabi ko at hindi sya nakita ni Ashna o sisihin yung sarili ko dahil hindi ko namalayan na wala na yung anak ko sa tabi ko.HINDI naging mahirap sa akin ang paglipat namin dito sa manila since ilang years rin akong tumira dito noon. Si Aera nahirapang mag adjust dahil lumaki ito sa probinsya, kaya natatakot akong iwanan ito ngayon sa paaralan kaya sasamahan ko muna sya at first day naman nya."Anak, will you be okay kung di na sasama si mama bukas sayo dito?" Napatingin ito sa akin."I will be alone here tomorrow!?" Sabi nito sa mataas na boses."Ihahatid ka ni mama, tapos mag wowork si mama and then susunduin ka ni lolo pagkatapos ng school mo since sobrang gabi na yung out ni mama sa trabaho." Paliwanag ko dito. Napalabi ito at tumingin sa mga kaklase nito."But, I don't know them. I don't have friends here, baka iiyak ako." Natawa ako at kinurot ang pisngi nito."You won't anak, sila rin naman wala pang friends kasi first day pa lang.""So, i need to say hi to make friends?" Inosenteng tanong nito. Ngumiti ako at tumango.Natapos yung araw na wala akong problema kay Aera dahil masyado itong bibo at makulit. Ang sabi ni Mrs. Aram masyadong matalino daw si Aera para sa edad nya."Lolo look! I got all the perfect score!" Tuwang tuwa na pinakita nito kay papa ang mga gawa nila kanina. 100 yung score nya dahil nagandahan ang teacher nito sa gawa nya."Wow so brilliant! Sino nagdraw nito? Malakas na nag- Me! si Aera na ikinatingin ni papa sa akin."W-wow..." di makapaniwalang sabi ni papa at tumingin ulit sa akin. Ganun ba ako kabusy at seryoso sa trabaho na ngayon ko lang nalaman na magaling sa arts ang anak ko."Engineer ba yung tatay ng apo ko?" Pagbibiro ni papa. Para akong nanlamig at di nakagalaw sa pwesto ko. Kahit kailan hindi binanggit ni papa yung tungkol sa tatay ng anak ko. Hindi ito nagtanong kailanman."P-pa....""Technician ako, pagluluto yung kurso mo noon. Wala sa lahi natin ang magaling magdrawing. Ang alam ko lang yung stick stick na tao eh." Pagbibiro ulit nito. Hindi ako nakaimik at napatitig lamang ako kay papa."Biro lang anak, matulog kana may trabaho ka pa bukas." Sabi nito at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Nanghihinang napaupo ako sa kama at napatingin sa anak ko na kanina pa natutulog. Hindi ko alam pero never rin syang nagtanong tungkol sa papa nya.Hindi ako nakatulog kaya medyo hagard ako ng makarating sa trabaho."Hi Im Alina ako yung ga-guide sayo ngayon." Napanatag ako ng mabait si Alina at hindi masyadong strikto."Basta yung tatandaan mo talaga yung mga plates at baso, mamahalin silang lahat kulang na kulang yung sweldo natin sa isang baso lang. Wag mong alalahanin yung mga masungit na customer hindi sila tinotolerate ng may ari dito. Kapag may problema tawagin mo lang agad ako, okay?" Napatango ako. Hindi naman na problema sa akin ang trabahong to. Ang pagkakaiba lang restaurant to ng mayayaman. Hindi ko ata afford kahit isang tinapay man lang.So far wala namang naging problema sa unang araw ko, pwera na lang sa mga lalaking hinihingi ang number ko. Pinagtitinginan ako ng kasama ko at pinag uusapan pero dedma lang ako.8 na nang gabi ng matapos yung shift ko. Dumaan pa ako sa dunkin donut para bilhan anak ko. Pagkain palagi ang hanap nun kapag umuuwi ako."Mama!" Kumislap ang mga mata nito ng makita ang dala ko. Agad itong tumakbo sa akin at niyakap ako bago kunin ang pagkain sa kamay ko."Where's your lolo?" Tanong ko dito na di rin ako pinansim dahil busy ito sa donut nya. Kumatok ako sa kwarto ni papa."Aera wag makulit may ginagawa si lolo." Rinig kong sabi nito mula sa loob. Binuksan ko yung pintuan na kinalingon ni papa."Oh anak ikaw pala, kamusta trabaho?" Tanong nito at bumalik ulit sa pagtatrabaho. Lumapit ako rito at nakitang may inaayos itong laptop."Saan galing yan, pa?" Tanong ko"Ah bumili ng bagong laptop yung amo namin. Hiningi ko ito kasi itatapon na rin naman nya. Hay naku mga mayayaman nga naman, hindi pa naman masyadong sira to konting ayos lang magagamit na ulit." Napatango ako at nagpaalam ng umalis para hindi ito maistorbo sa ginagawa nito."Anak kumain ba kayo ng hapunan ni papa?" Tanong ko at umupo sa tabi nito. Tumango ito habang nanonood ng tv habang kumakain. Inayos ko yung buhok ito at tinalian."How's school anak?" Tanong ko ulit."Boring...." nakairap nitong sabi at sumimangot. Napakunot noo ako at pinaharap ito sa akin."Nagcolor lang po kami eh and then we sing some idiotic songs." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at mahinang tinampal ang bibig nito."Baby where did you learn that word?" Strikto kong tanong."Is it a bad word? I just heard lang naman po sa DADDY ng classmate ko. He said na mukha po kaming idiots while singing and dancing and i agree! I saw my classmates dancing like this, like a monkey. It looks ugly!" Maarteng sabi nito. Napatampal ako ng noo dahil di ko alam kung saan nagmana ito."Anak its a bad word don't say it again okay?" Tumango ito at bumalik na ulit sa panonood ng tv.10 na ng makatulog si Aera kaya hirap gisingin nito kinabukasan. Late na ito ng makapasok ng school at sobrang late na rin ako sa trabaho."Shocks sana di ako mapagalitan." Kinakabahan kong sambit habang papalapit sa restaurant. Papasok pa lang ako sa loob ng marinig ang sigawan sa loob. Binati ako ng guard ng pumasok ako.Napatigil ako sa paglalakad ng saktong pagsampal ng lalaki sa babae. Wait.... HIRA?Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mata ko. A-anong.......Nanginginig nitong hinawakan ang pisngi nito at napaiyak."Oh my god." Bulong ko ng makita yung mukha ng lalaki."Rius...."sambit ko sa pangalan nito. Damn! Boyfriend sya noon ni Ashna or sila pa rin ba ngayon? Sabay na napatingin ang mga ito sa akin."Z-zertyl?""Congratulations!" Sigaw naming lahat ng makapasok si Ruan sa bahay galing sa graduation nya."Luh gagi kaya pala di ka sumama ate akala ko di ka masaya at proud sa akin eh!" Pagda-drama nito habang nanunubig ang mata. Natawa ako at nilapitan ito.Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi nandiri pa ito at pabirong pinunasan ang pisngi kaya kinurot ko ito."Congrats tito Ruan! Kina and I have a gift for you!" Excited na sabi ni Aera at hinila si Ruan."Mamaya na anak let's celebrate muna." Pigil ko rito. Nakangiting binati ng lahat si Ruan. May pa party hat pa si Alius at sinuotan ng isa si Ruan na ikinasimangot nito."Magco-college ka na wag munang asawa huh!" Sigaw ni Zeryna habang kumakain ng lumpia."Girlfriend ate.""Wag kang mag alala Zeryna wala namang papatol dyan!" Biro ni Alius."Aba magkamukhang magkamukha kami ni Ate ibig sabihin pangit si Ate ganun!?" Napailing na lang ako at inasikaso ang ibang bisita.
"Kumatok ka na." Sinamaan ko ng tingin si Ashna dahil kanina pa ito."Baka kasi tulog pa, ang aga aga pa kasi." Napairap si Ashna at parang gusto na akong sabunotan.Hindi pa ako nagigising kanina nandoon na sila sa bahay. Mas excited pa silang makilala ang pamilya ko kesa sa akin eh."Anak ng! Tatayo lang ba tayo dito? Ako na ang kakatok." Agad akong kinabahan at pinigilan si Dyson."Bakit ba—" Pareho kaming napatigil ng makarinig ng katok."Tao po!" Sigaw ni Aera habang kumakatok. Nagkatinginan silang lahat at napangisi na tumingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala na rin naman akong magagawa."Tao po Tao po! NAMAMASKO PO!" "Tapos na ang pasko maldita baka pagkamalan ka nilang baliw naku ikakaila talaga naming di ka kilala.""ILABAS NYU NA ANG IYONG TAMB—" Lahat kami natahimik ng bumukas iyong pintuan at bunungad sa amin ang lalaking kumukusot pa ng mata."Sisingil ba kayo ng utang? Wal
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat kung maramdaman sa oras na to. Gusto ko syang paalisin pero masaya akong nandito sya parang anytime ay gagaling ako kapag manatili pa sya dito.Hindi ito umiimik habang inaalagaan ako. Nakatulog ulit ako at hapon na ng magising."Tumahimik nga kayo ako na! Ako ang kakausap sa kanya!" Napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Ashna sa labas ng kwarto."Bakit ikaw? Pabida ka na naman." May narinig akong bagay na natumba at ilang beses na mura."Ang tagal ni Karic eh! Ilang araw na syang walang tulog sa kakahanap kay Zertyl tapos ngayon nakita na nya ayaw naman makipag usap!" Ramdam ko na ang inis ni Ashna ngayon."Hindi ba pwedeng magtampo yung tao? Kasi hindi nya nagawa iyon ng ilang araw, yang si Zertyl naman kasi konting impormasyon lang ang marinig aalis agad! Bigla na lang mawawala naku kapag nagising talaga yan makakatikim s
Hindi ko alam kung anong nangyare at bigla na lang nawalan ng tao sa bahay. Nablanko na rin ang isip ko at nakalimutan ko ng hanapin si Karic. Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto at hinihintay na bumalik si Karic. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko.Napabuntong hininga ako ng unknown number na naman iyon.Uh oh! Naningkit ang mata ko dahil yun alng text nito pero tumunog ulit ito at nakitang picture ang sinend nito kaya binuksan ko iyon. Agad kong nabitawan ang phone ko ng makita yung picture.Nanginig ang kamay ko at unti unting tumula ang luha ko. It's a picture of Karic kissing someone at mukhang nasa bar ito dahil sa background.Napahilamos ako ng mukha at sinabunotan ang sarili ko."Fuck you! Akala ko ba mahal mo ako!?" Sigaw ko at tinapon ng malakas yung phone ko.No stop it Zertyl kumalma ka. Hindi sya nagtagumpay sa mga edits nya tungkol sa akin kaya si Karic naman ang ginagawan nya ngayon. "That's
"Good morning Happy birthday babe.""HAPPY BIRTHDAY DADDY!" Umakyat si Aera sa kama at pumatong sa itaas ni Karic. Ngumiti ito kahit na hindi pa ito nagmumulat ng mata."Daddy wake up, open your eyes na get up get up blow the candle!" Excited na sabi ni Aera at pinipilit na minumulat ng kamay nya ang talukap ng mata ni Karic."Aera stop that, umalis ka dyan para makabangon si Daddy." Napanguso ito at umalis sa ibabaw ni Karic."Happy birthday Babe." Nakangiting bati ko rito ng makabangon na ito. Ngumiti ito at hinipan ang kandila na nasa ibabaw ng cake na dala dala ko."Yucks! Hindi ka pa nagwa-wash ng mouth mo Daddy!" Natawa ako at nilapag ang cake sa bedside table."Really? Do i have a bad breath?""Noooo....! Stop it!" Maarteng sigaw ng anak ko ng paulanan ito ng halik ni Karic sa pisngi. Napahagikgik ito ng kilitiin ito ni Karic.Lumabas na kaming tatlo sa kwarto at agad ko nakita sina Ashna na tumutulong sa pagd
Ilang araw ng di maganda ang relasyon namin ni Karic. Hindi kami makakapag usap ng maayos dahil ang bilis kong mainis, kapag galit sya mas magagalit ako at di ko sya papansinin."Anak." Isa pa tong si Papa palaging wala at simpleng tanong di ako masagot. Hindi ko ito pinansin at naglakad paalis.Napatigil ako ng makita si Karic na may kausap sa garden na babae at isang matandang lalaki. Ang laki pa ng ngiti ng gago."Sino yan?" Masungit kong tanong ng makalapit ako."Mr. De Fuza this is my wife, Zertyl." Sabi nito sa matandang lalaki."Im not his wife." Sabat ko agad na ikinangisi ng babae."Yeah i can see that, no ring." Nanunuyang sabi nito. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Karic."And who are you? Another whore who wants to flirt with my boyfriend?" Napatikhim yung matandang lalaki at alanganing ngumiti."Zertyl." Malamig na banta ni Karic"Excuse me Ms. Zertyl but this is my daughter Ariaha, Sh