Scarlett’s POV
Natigilan ako sa sinabi niya.
Akala ko si George ang tinutukoy namin… si Nick pala.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tumingin sa kanya.
Kumpara sa nararamdaman ko, mas matindi ang pinagdadaanan ni Jessica.
Nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa kanya, pero higit sa lahat, humanga ako.
Ang tagal na naming magkasama dito, mahigit isang buwan na… at ilang beses ko lang siyang nakitang umiyak, masasabi kong napakatatag niyang babae.
Tahimik siyang lumalaban. Hindi siya nagpapadala sa emosyon, pero ramdam mo ang lalim ng sakit na tinatago niya.
“Kailangan mo nang harapin si George,” muling balik ni Jessica sa usapan namin.
“Carly, listen,” malumanay niyang sabi,
“I don’t know why there is fear in your heart. Is it because, hindi naiparamdam ni George nang buo ang pagmamahal niya sayo? Is it because he’s not saying I love you to you? Is it because…”
“No!” mabilis kong putol sa sinasabi niya.
Ramdam ko naman na mahal ako ni George. I mean, he’s good, he’s kind, h