Alas sais na ng gabi at sakay si Jeron ng kanyang magarang sasakyan. Susunduin niya ang dalawang magagandang dilag. Napaawang ang labi niyan nang makita si Graciella. Bagay sa mga ito ang napiling makeup at gown. Mas lumitaw ang ganda ng mga ito. Pero, mas naagaw ng atensiyon niya ang anyo ni Graciella.
Maganda naman si Graciella kahit simple lang ito. Iyong tipo ng ganda na hindi pansinin sa una pero habang tumatagal mas gumaganda ito sa paningin.
“Ano? Bilib ka na ba sa talent ko? Parang plastic surgery ang dating ano?” pagyayabang ni Sheila. Gusto niyang kantiyawan ang pinsan lalo at halos tumulo ang laway nito na nakamasid sa kaibigan.
Namula si Jeron sa tanong ng pinsan. “Maganda naman si Ate Graciella. Bakit mo sasabihin na plastic surgery ang ginawa mo? Pinalitaw mo lang lalo ang ganda niya.”
Umasim ang mukha ni Sheila. Inaasahan niyang pupurihin ng pinsan ang galing niya sa makeup. “Ma