Ilang beses na pinindot ni Menard ang remote control ng TV. Naghahanap siya ng matinong channel pero wala siyang makita.
“Na-meet mo ba ang richest man of the night?” Tanong ni Menard.
“Hindi. At wala akong plano na ma-meet siya. Pero, I’m curious, pareho kayo ng last name,” saad ni Graciella. “Hindi ba nakapagtataka?
Nabitin ang pagpindot ni Meanrd ng remote control ng TV. Pinatay na lang niya ito lalo at wala naman siyang magustuhan na palabas. Napako ang kanyang tingin sa sariling reflection sa screen ng TV.
Napatitig si Graciella sa matangos na ilong ni Menard. Sa tingin niya parang isang sculptured masterpiece ang nasa harapan niya.
“Are you done staring at me?” Tanong ni Menard sa asawa. “You have a problem?”
“Naisip ko since magkalapit lang ang opisina niyo at ang head office ng Young Group. Hindi kaya magkamag-anak lang din ang may-ari ng kumpanya na pinagtatrab