Nabigla si Graciella sa hayagang pagtanggi ni Menard sa gusto ng tiyahin. Kaya nga niya ito sinenyasan para humanap ito ng paraan na tumanggi nang maayos. Hindi niya akalain na si Menard lang pala ang makapagpapatahimik ng bungangera niya na tiyahin.
Napatda si Lupita sa prangka na asawa ng pamangkin. Akalain ba niyang walang preno ang bibig nito. Napangiti siya nang mapakla.
“Kayo po pala ang tiyahin ni Graciella? It’s nice to meet you po,” malamig nitong saad.
Magalang naman bumati si Menard pero hindi pa rin maitatago ang pagiging reserved nito.
“Visitors are not allowed in the unit. The management requires an appointment three days ahead before we are allowed to accept visitors. Nakakalungkot naman at biglaan ang pagparito niyo,” paliwanag ni Menard.
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Graciella. Knowing her aunt, alam niyang puputaktihin siya nit