“It’s not what you think about. It’s my advance salary for two years,” paliwanag ni Menard. Sana lang maniwala sa kanya ang makulit niyang asawa.
Namilog ang mata ni Graciella. Pwede pala ‘yon? “Talaga? Hindi natatakot ang kumpanya niyo na baka bigla na lang kayo lumayas matapos bigyan ng two years advance salary?” Ang galante naman pala ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng asawa!
“There’s a huge penalty when we don’t follow the contract. May fine na two million pesos plus jail time for fraud,” saad ni Menard.
“Bakit kasi nag-advance ka ng pandalawantaon na sahod?” curious si Graciella.
“Mag-aasawa ako ‘di ba? I need the money for downpayment for the house. But since my relatives are generous enough to offer their unit. We can save money and pay minimal rent.”
Gustong palakapakan ni Menard ang sarili lalo at nakikita niyang naniwala naman ang asawa sa paliwanag niya. Hindi pa kasi time para i-reveal sa asawa ang katotohanan.
Na