“Halos isang taon?”
Napayuko si Rowena. “Kailangan kong alagaan ang anak ko, ate. Palagi naman siyang hatinggabi na kung umuwi at saka isa pa, masikip sa bahay. Wala kaming privacy kung sakaling gusto namin,” nahihiyang saad ni Rowena.
Napailing na lang si Graciella. Parehong bata pa ang mag-asawa. Kaya hindi normal na hindi nagtatabi matulog ang mga ito.
“Ang bait mo na nga. Kailangan mong maging mas alerto baka mamaya maging totoo ang mga hinala ko kay Harry,” paalala niya.
Nmumula na si Rowena sa sinabi ng pinsan pero nahagip ng mata ang magandang bag ni Graciella.
“Ang ganda naman ng bag mo, ate.”
“Binili namin ni Menard ngayong hapon lang,” sagot ni Graciella. Naalala ang biniling kumot para sa pamangkin. Inabot niya ang paperbag at saka binigay sa pinsan.
Kinuha naman ni Rowena ang paperbag at maingat iyong binuksan. Namangha sa laman nito lalo at iyon ang gustong kulay ng anak na si Leya. Hitsura pa lang ng kumot alam na niyang ma