Sumimangot si Menard. Wala naman katotohanan ang sinabi ni Harry. Skeptron has always achieved its target sales and was never on a loss. Sinungaling nga ang asawa ni Rowena.
Every year, kapag ang isang subsidiary ay hindi maganda ang performance, tinitigil nila ang project ng mga ito. There is no point in investing in non profitable projects.
“In what department is he assigned?”
“Marketing.”
Okay ang performance ng nasabing subsidiary. Sa katunayan nga ito ang pinaka aktibong department at hindi kailangan ang madalas na OT. May kalokohan nga na ginagawa ang bayaw ni Graciella. And the nerve of that man to make his company the scapegoat of his lies. Kumukulo ang dugo ni Menard. He hates liars!
“Hayaan mo ang pinsan mo na mapansin ang kakaiba sa asawa niya. Don’t meddle with their problems, Graciella,” saad ni Menard habang nakahalukipkip.
“Tatahimik na lang ba ako habang nagdurusa ang pinsan ko? Alam ko wala ako sa posisyon na makialam pero