Naaawa din naman si Rowena sa asawa na nakikisiksik sila sa masikip na bahay ng magulang niya. Pero, wala siyang magawa dahil wala naman siyang maitutulong. Housewife lang siya.
Nag-se-self pity na nga siya madalas dahil napag-iwanan na siya ng mga ka-batch niya,. Ang iba asensado na pero siya isang losyang na maybahay lang.
Kung hindi sana kaagad siya san nag-asawa pagkatapos mag-aral hindi sana niya dadanasin ang kinasadlakan ngayon.
Nahaplos niya ang pisngi. Naninilaw na ang kahapon lang na nangigitim na black eye niya. Larawan ng isang martir na asawa ang nakikita niya sa salamin.
Malapit na niya makilala ang asawa ng pinsan. Inaamin naman niya na tinutubuan siya ng insecurity sa dumapong swerte sa kanyang pinsan. Oo nga at huli na itong nag-asawa pero nakatagpo naman ito ng matinong asawa.
Kailangan niya mag-ayos kahit paano. Mamimili siya ng bagong damit. Hindi naman siguro kalabisan kung paminsan pagbibigyan niya ang sarili. Panay ukay-ukay