“Sir, pwede po ba lilinisin ko na lang ang mantsa?” Nagmamakaawa si Rowena sa bodyguard.
Nainis ang manager. “Hindi ko alam kung tang aka o bingi! Hindi nga makukuha sa simpleng linis lang ang mantsa,” aburidong sita kay Rowena. Gusto na nitong saktan si Rowena lalo at valued customer nila si Lambert Alferez.
Tiningnan nito ang pananamit ni Rowena. Alam niya na wala itong kakayahan na magbayad kahit ang dry cleaning service na baka umabot sa two thousand pesos. Halata naman kasi na galing ito sa mahirap na pamilya.
“Pwede ko po naman subukan di ba?” Nagmamakaawa pa rin si Rowena sa mga ito.
Mamumula na si Lambert sa galit. Kanina pa niya tiningnan ang mantsa sa suot na suit, pati na rin ang mantsa sa damit na sana ay kukunin na niya.
“Tutal makulit ka at nagpupumilit. Akin na ang contact number mo at ipapadala ko sa mga tauhan ko ang mga namatsahan ng anak mo. Ikaw ang magbabayad ng dry cleaning service,” saad ni Lambert. Wala na siyang magagaw