“Yes. I’m telling you, Trent, don't give away your identity. Kailangan huwag nila mahalata na galing tayo sa mayamang pamilya.”
Natuwa naman si Trent dahil sa wakas makikita na niya ang asawa ng pinsan. Curious siya na malaman ang itsura ng babaeng naging dahilan para mag-asawa na ng tuluyan ang isang Menard Tristan Young.
“Sigurado ka na ba sa babaeng ‘yan? Ayoko talaga sana maniwala na nag-asawa ka na,” singit ni Lambert.
“Wala naman akong dapat sabihin sa inyo. It’s my business and you should mind your own as well,” malamig na saad ni Menard.
Natahimik ang dalawa at nagsesenyasan lang.
“Hindi ko naman alam hanggang kelan ang itatagal ng kasal na pinasukan ko. We are in a trial marriage,” paliwanag ni Menard. “The duration is still uncertain. Kailangan ko pa kilatisin nang maayos ang asawa ko para malaman ko kung pwede siyang maging kasapi ng mga Young.”
“Sinabi mo pa. Sakit lang sa ulo ang mga babae. Hindi natin alam baka napunta pa ta