Nasa loob na sila ng sasakyan ni Menard.
“Don’t ever call me Mr. Young in front of my cousin. Baka magduda siya at magsumbong sa nanay ko,” sabi ni Menard.
Pababa na sila ng sasakyan nang may narinig silang sigaw.
“Kuya Menard!”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Trent. Gusto niyang pagtawanan ang minivan na sasakyan ng pinsan. Talagang tinodo nito ang pagpapanggap na mahirap.
Kung anong amusement ang naramdaman ni Trent, siya namang disappointment ni Menard. Paano at nakasuot ng branded sportswear ang pinsan. Neon green naman na sapatos ang suot nito. Masyadong masakit sa mata ang mga suot ni Trent. Hindi nito sinunod ang gusto ni Menard.
Kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Graciella. Mukha kasing approachable ang pinsan ng asawa. Dumungaw ito sa bintana ng sasakyan.
“Kuya Menard, hipag,” bati nito sa dalawa.
Natawa na lang si Graciella lalo at namaluktot ito sa pagbati sa kanilang mag-asawa.
“Hello,” nahihiyang saad ni Gra