“Kailangan niyo magtipid para sa kinabukasan. Magastos magpakasal pero kailangan niyo pag-ipunan. Kailangan niyo pa bumili ng sasakyan at bahay bago man lang isipin na magkaroon ng anak. At saka nasaan ba ang mga magulang mo at ano ang mga trabaho nila?”
Sunod sunod ang mga tanong at pangaral ni Roger sa dalawa. Gusto niyang ipakita sa mga ito na may karapatan siya na pangaralan ang dalawa lalo at siya ang mas nakatatanda.
Napailing si Menard. Baka ma-stroke ang tiyuhin ng asawa kapag nalaman nito na nagkalat sa buong Pilipinas ang mga mansion nila.
“May bahay naman ang pamilya ko at doon ako nakatira bago ako nag-umpisa magtrabaho,” saad ni Menard. “Dito na muna kami sa unit na ito ni Graciella ngayon na magkasama na kami.”
Umarko ang kilay ni Lupita. Akala niya parehas lang sila ng sitwasyon ng nobyo ng pamangkin.
“Bakit kailangan sa abroad pa manirahan ang mga magulang mo?” Tanong pa rin ni Roger.
“Kailangan na rin nila magpahinga at ayaw