Sila ni Graciella nagpakasal nang ora-orada. Isang oras lang silang nag-usap at nagpakasal na kaagad. Pero, ibinibigay niya ang karampatang respeto para sa isang legal na asawa. Kaya naiinis si Menard kay Harry dahil na rin sa ilang taon na itong kasal kay Rowena pero hindi niya nakikita na nirerespeto nito ang asawa. Ni hindi nga nito nagawa na alalayan ito sa pag-aalaga sa anak nito. Panay pasikat lang ito sa kanila magpinsan kanina lang.
“Hindi mo pala gusto si Harry? Sige iiwasan ko na siyang imbitahin dito sa unit. Kahit ako naman ilag sa kanya. Nakakahiya lang din kay Rowena na hindi natin iimbitahin ang asawa niya since doon na rin nakatira sa kanila si Harry.
Kahit naman si Graciella ayaw niya kay Harry. Ayaw lang naman niya magkagulo ang pagsasama ng dalawa kaya hindi niya maamin sa pinsan na hindi siya komportable sa presensya ng asawa nito. Ayaw niya rin sa paraan ng pagtrato sa mag-ina nito. Hindi niya makita na mabuting ama ito para sa pamangkin na si Le