Dapat maging masaya na lang si Graciella. At least hindi ito gumawa ng hakbang para akitin siya. Ayaw niya magaya sa ibang kakilala na nabitag ng mga tusong babae. Mahirap pa naman ang annulment sa Pilipinas. Ilang taon din bubunuin para makawala sa isang kasal.
Sunod sunod ang paglagon ni Menard ng alak na iniinom. Pakiramdam niya uhaw na uhaw siya at alak lang ang makakapawi ng uhaw niya. Nalulungkot siya pero hindi niya rin alam ang dahilan. Kaya alak ang nakikita niyang solusyon.
Halos hatinggabi na at kanina pa si Lambert at Menard na panay tagay. Lasing na silang pareho at nag-uusap tungkol sa mga personal na bagay.
“Sa yaman mo, anong naisip mo at nagpakasal ka sa isang ordinaryong babae?” tanong ni Lambert. Lasing na ito kaya may lakas ng loob na tanungin ang kaibigan.
“Ordinaryong babae? Hindi mo pa nakikita si Graciella. How come you know she is ordinary,” sagot ni Menard.
“Nakita ko na ang pinsan niya. More or less alam ko na ang itsura ng