Isang pagkumpirma sa katahimikan ni Graciella.
“Ano ba kasi ang problema niyo mag-asawa?”
Nahihiyang magsabi si Graciella sa kaibigan tungkol sa marriage agreement nila ni Menard. Hindi siya tiyak kung maiintindihan siya ni Sheila. Sa ngayon, sasarilinin na lang muna niya ang kanyang sitwasyon.
“Biglaan naman ang kasal naman at hindi pa kami ganun ka pamilyar sa isa’t isa. Pasaan ba at darating din kami sa puntong iyon,” dahilan ni Graciella.
Gusto sana magkomento ni Sheila pero wala siya sa posisyon. Mas malala pa nga ang sitwasyon niya kaysa sa kaibigan. Naiinggit pa nga siya lalo at mabait naman kahit paano ang napangasawa ni Graciella.
“Gusto nga kitang gayahin, e. Kung alam mo lang na nagdarasal ako na sana isang kagaya ng asawa mo ang lalaking ‘yon,” tila nangangarap na saad ni Sheila.
Inalo ni Graciella ang kaibigan. “Huwag mo nga muna kontrahin ang mga magulang mo. Malay mo, na-overwhelm lang talaga siya sa ganda mo kaya nagyabang siya