“Hello,” bati ni Wilbert kay Menard.
Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang lalaki. Napako ang kanyang mata sa asawa na tila isang daga na nasukol ng isang pusa. Gusto sana niyang itanong kay Graciella kung ano ang mga sinabi nito patungkol sa kanya kanina.
Pagkarating pa lang niya kanina sa Camilla Cafe, ang minivan na ni Graciella ang una niyang nakita. Dagdag pa na nasa tabi ito ng glass window nakaupo at panay ngiti sa kausap. Feeling ni Menard, pinagtataksilan siya ni Graciella.
Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin ng asawa sa unit nila. And now he can clearly see that she had wide array of emotions when it comes to other men. They might be in a trial marriage but he can’t tolerate this kind of behavior!
Hindi lubos maisip ni Menard na ang baba pala ng taste ng asawa pagdating sa mga lalaki. Mas hamak naman siyang gwapo sa ka-date nito. Hindi kaya kailangan na niyang dalhin sa espesyalista sa mata ang asawa lalo at mukhang malabo