Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro.
Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver.
“Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba.
Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili.
“Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya