“Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.”
Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.”
Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.”
“You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito.
Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin.
Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa