Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa!
“I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella.
Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya.
Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito.
“Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn