Hinampas ni Graciella ang kanyang cellphone sa braso ni Menard. “Ang kapal ng mukha mo na pagbintangan ako na may ginagawang milagro! Ang dumi ng isip mo. Para kang walang pinag-aralan!” sunod-sunod na akusa ni Graciella sa asawa.
Masakit din naman ang kamay niya nang hampasin niya ang braso ni Menard. Nabasag pa nga ang screen ng kanyang cellphone at nasugat ang kanyang palad dahil sa ginawa.
Napaigik si Menard dahil sumakit ang braso na hinampas ng asawa ng cellphone nito. Sa tangkad niya, nagkasya na lang siya na ibaluktot ang mga braso para masangga ang mga atake ng asawa niya na namumula na sa galit.
Hindi pa rin papipigil si Graciella. Ilang beses pa niyang hinampas si Menard na walang nagawa kundi ang umilag na lang. Ibinuhos niya ang inis sa asawa na walang pakundangan kung pag-isipan siya ng malalaswang bagay.
“Stop it!”
“Hindi ako titigil!” Umangat ang kamay ni Graciella at dahil sa pag-ilag ni Menard, tumama ang kamay nito sa bibig ni