Walang umimik sa kanilang dalawa.
Namula si Menard at basta na lang kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang silid. Ginaya niya ang ginawa ni Graciella na pagtakbo pabalik sa silid. Pati na rin ang pabagsak na pagsara ng pinto.
Sa totoo lang, nawala talaga sa isipan niya na may asawa na siya. Kampante na siya na basta na lang maglakad na tuwalya lang ang suot sa katawan. Nakatutok kasi ang atensyon niya sa nakahain na almusal sa lamesa. Naalala niya ang kanyang katulong na si Zenaida. Ganun almusal din ang hinanda nito para sa kanya kaya nawala sa isipan niya na iba na pala ang status niya ngayon.
Naglalakad na si Graciella na bitbit ang mga dalang pagkain. Natatawa siya sa inasal ni Menard para itong babae na takot masilipan. Ano kasi ang ginagawa nitong naglalakad na towel lang ang balabal sa katawan tapos ngayon nahihiya ito sa kanya?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter