Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle

Confessions of a Woman who Seduced her Ex's Uncle

last updateLast Updated : 2025-11-01
By:  Olivia ThriveUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
7Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“I wanted revenge… but I ended up craving the man I should never touch.” He’s my ex’s uncle — powerful, dangerous, and completely off-limits. But tell me, how do you stop falling for the man who makes you forget why you wanted revenge in the first place?" Nahuli ni Lia Vergara ang boyfriend niyang si Marco na may kahalikan — at hindi lang basta babae, kundi ang bestfriend niya pa. Sa isang iglap, nabasag ang puso niya at tuluyang nagdilim ang mundo. Pero imbes na umiyak o magmakaawa, pinili niyang gumanti. Ang plano niya? Simple. Iparamdam kay Marco ang sakit ng maloko. Pero hindi niya akalain na ang magiging kasangkapan ng kanyang paghihiganti ay ang lalaking pinaka-imposibleng mahalin — ang tiyuhin nito, si Alessandro Ruiz.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Tonight was supposed to be perfect.

Three months na kaming magkasama ni Marco, and even though our relationship started quietly, I thought it was something real. Hindi man kami cheesy couple, pero gusto ko sanang ayusin ‘yong gabi — a surprise dinner, candles, wine, and that simple “I love you” na maririnig ko ulit mula sa kanya.

Hindi ko alam, baka ako lang talaga ang hopeless romantic.

Kanina pa ako abala sa kusina. Naka-apron ako, buhok nakatali, at may konting harina pa sa pisngi ko. Pasta, garlic bread, favorite niyang red wine — lahat handa na. Nakailaw ang mga scented candles sa mesa, and the rain outside gave everything this cozy, cinematic vibe.

Nakangiti ako habang tinitingnan ang mesa.

“Perfect,” bulong ko sa sarili.

Kinuha ko ang maliit na box mula sa bag — regalo ko sa kanya. A leather bracelet, engraved with “Always you.” Corny, oo. Pero galing sa puso.

“Lia, you’re really something,” sabi ko sa sarili habang tumatawa. “Kung hindi ka niya mahal, ewan ko na lang.”

Pero habang tumatagal ang gabi, napansin kong hindi pa rin siya dumarating.

7 PM. 8 PM. 9 PM.

Tinext ko siya. “Hey, traffic ka ba?” Walang reply.

Tinawagan ko siya. Cannot be reached.

Sinubukan kong huwag ma-paranoid. Baka may emergency sa office. Baka natulog. Baka may pinuntahan lang sandali. Pero habang tumatagal, kumukulo ang dibdib ko — hindi dahil sa selos, kundi sa kaba.

At nang biglang tumawag ang bestfriend ko, si Mina, doon na ako kinabahan.

“Lia, alam mo bang may event ngayon sa The Glass Lounge? Marco’s there.”

Napahinto ako.

“What? Anong event?”

“Company thing daw. Pero may kasama siya…”

“Kasama?”

Tahimik si Mina. “…Si Kaye.”

Si Kaye — ang isa ko pang bestfriend.

Parang biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid ko. Hindi ko alam kung masakit, o kung nagagalit ako. Siguro pareho.

Kinuha ko ang payong, sinuksok sa bag ang regalo, at lumabas kahit bumubuhos ang ulan.

Habang naglalakad ako papunta sa The Glass Lounge, nararamdaman ko ang lamig ng ulan sa balat ko. Pero mas malamig ‘yong pakiramdam sa dibdib ko.

Sa loob-loob ko, pinipilit kong isipin na baka hindi totoo. Baka misunderstanding lang. Baka may dahilan.

Pero pagdating ko sa harap ng resto bar, hindi na kailangan ng paliwanag.

Mula sa malaking glass wall, nakita ko agad siya — si Marco, nakaupo sa sulok, naka-lean in sa babae sa harap niya. Naka-smile siya, ‘yong ngiting dati ay para sa’kin lang. At ‘yong babae? Si Kaye nga.

Lahat ng ingay sa paligid biglang nawala. Ang naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, mabilis, masakit, parang gusto nang sumabog.

Naglakad ako papasok, basang-basa, walang pakialam sa tingin ng mga tao.

Paglapit ko sa table nila, saka ko lang naramdaman kung gaano ako nanginginig — hindi sa lamig, kundi sa galit.

“Wow,” sabi ko, nakangiti pero nanginginig ang boses. “Ang ganda ng surprise ha.”

Pareho silang natigilan. Si Kaye agad tumayo, nagmamadaling magsalita.

“Lia, wait, this isn’t what it looks like—”

“Really? Kasi sa anggulo ko, it looks exactly what it looks like.”

Si Marco, mabilis tumayo.

“Lia, please, let me explain—”

Ngumiti ako, ‘yong ngiti na mas masakit pa kaysa sa sigaw.

“No need. Kasi nakita ko na ang dapat kong makita.”

Tumalikod ako at lumabas. Wala nang luha. Ulan lang.

Makalipas ang ilang sandali sa isang bar...

Hindi ko alam kung ilang baso na ang nainom ko.

Ang alam ko lang, bawat lagok ay parang tinatanggal ang parte ng sakit na iniwan ni Marco.

Niloloko ako ng taong akala ko mahal ako.

At hindi lang basta babae ang kalampungan niya — ang best friend ko pa.

Tawa ako nang tawa kanina habang pinipigilan ang luha, pero ngayon, parang ako na lang mag-isa sa mundong umiikot.

“Miss, okay ka lang?” tanong ng bartender.

Ngumiti lang ako. “Okay lang. Kaya pa.”

Sinungaling.

At doon ko siya napansin.

Isang lalaki sa kabilang dulo ng bar — tahimik, seryoso, at parang hindi dapat naroon.

Hindi siya tulad ng mga lasing na lalaki sa paligid.

May kung anong presence sa kanya — mabigat, pero nakakaakit.

Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung ilang segundo ‘yon, pero sapat para makalimutan ko kung nasaan ako.

Lumapit siya, dahan-dahan, parang alam niyang hindi ko kayang umiwas.

“Looks like you had a rough night,” sabi niya, mababa at malamig ang boses.

“Understatement,” sagot ko, sabay lagok ulit ng alak.

Ngumiti siya. Hindi ‘yung bastos na ngiti — kundi ‘yung tipong ngiti ng lalaking sanay makinig, hindi manghusga.

He sat beside me, and just like that, the noise around us faded.

Hindi ko na maalala kung sino ang unang nagbiro.

Kung sino ang unang tumawa. Basta ang naaalala ko lang, bigla kaming naglalakad palabas ng bar.

Umuulan pa rin. Ang lamig ng gabi, pero mainit ang hangin sa pagitan naming dalawa.Hindi ko na rin matandaan kung sino ang unang lumapit.

Basta bigla na lang naglapat ang mga labi namin — mabagal sa una, tapos naging mas marahas, mas desperado. Parang pareho kaming may gustong kalimutan.

Naramdaman ko ang haplos niya sa pisngi ko, sa braso ko, pababa — mainit, maingat, pero puno ng sigla. Para akong natutunaw sa bawat hawak niya.

Hindi ko na tinanong kung sino siya.

Hindi ko na rin tinanong ang pangalan niya.

Sa mga sandaling ‘yon, hindi ko gusto ng paliwanag. Gusto ko lang makalimot.

At kahit lasing ako, kahit alam kong mali —

ang tanging malinaw sa isip ko ay ‘yung halik niya.

Matamis pero mapanganib at nakalalasing.

Lahat ng detalye ng gabing ‘yon ay parang lumabo sa hangin.

Ang amoy ng alak.

Ang ulan sa balat ko.

Ang tinig niya na parang pamilyar pero hindi ko alam kung saan ko narinig.

At bago tuluyang mawala sa ulirat, ang huli kong naaalala ay ang mainit niyang hininga sa tenga ko —

at ang bulong na hindi ko maintindihan kung totoo o guni-guni lang.

Pagmulat ko kinabukasan, wala na siya.

Walang iniwang pangalan, walang bakas ng mukha. Tanging naiwan lang sa akin ay ang alaala ng halik niyang hindi ko makalimutan…

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mairisian
highly recommended 🫶🏼
2025-11-04 09:29:07
0
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status