The Bride Behind the Billionaire's Walls
Elena never imagined her world would shatter in a single night. To save her father’s honor, she was forced to marry Adrian Velasco, the cold, untouchable heir feared by everyone around him.
To society, they appear to be the perfect couple. Adrian plays the role of a devoted husband, but behind closed doors, his words are sharp, his rules unbreakable, and his kiss feels more like a claim than a sign of love. Elena is trapped in a marriage built on power, not choice.
Yet the more she resists, the deeper she is drawn into Adrian’s world. His unexpected tenderness, his dangerous protectiveness, and the secrets hiding in his eyes leave her torn between fear and longing.
Is she only his possession, bound by loyalty, or can she become the one woman who will break through his armor and claim his heart?
A story of forced vows, forbidden emotions, and a love that begins where trust seems impossible.
Read
Chapter: A Glimpse of His WorldChapter 5 Kinabukasan, maagang nagising si Elena. Hindi siya nakatulog nang maayos sa unang gabi sa mansion. Paulit-ulit sa isip niya ang pagbitaw ng malamig na salita ni Adrian. I don’t believe in love. Parang tinik ito sa dibdib niya, isang paalala na sa mundong ito, hindi siya pwedeng umasa sa compassion o sweetness, kahit na asawa niya ang lalaking iyon.Nagbihis siya ng simpleng blouse at pencil skirt bago bumaba. Pagdating niya sa dining area, parang nasa hotel buffet. Isang mahabang mesa, punô ng mamahaling pagkain. Ang amoy ng bagong timplang kape, mainit na croissant, at mamahaling keso ay parang nagdadala ng kaba, lalo na’t kasabay nito ang sobra-sobrang luho sa paligid. Si Adrian lang ang nakaupo sa mahabang dining table. Nakabihis na ng itim na suit, hawak ang newspaper, mata’y nakatutok sa mga column ng business page.“You’re late,” malamig na bati nito, halos walang intonasyon ng emotion.Napakagat-labi si Elena. “It’s only seven…” mahina niyang tugon, halos nakangiti s
Last Updated: 2025-08-20
Chapter: The First NightChapter 4 Tahimik ang buong mansion nang makarating sila. Ang bawat hakbang ni Elena ay nag-echo sa malawak na hallway, at halos maligaw siya sa sobrang lawak ng lugar. Ang malamig na hangin mula sa centralized air-con ay halos hindi nakatulong sa init ng kaba na nararamdaman niya. Pero mas malamig pa rin ang presensya ng lalaking pinakasalan niya ngayong hapon. Si Adrian Velasco.“This will be your home now,” ani Adrian, matter-of-fact. Walang emosyon, walang pag-aalok ng comfort, para bang ordinaryong impormasyon lang ang sinasabi ni Adrian.Napakapit si Elena sa maliit niyang maleta. “It’s… huge,” mahina niyang tugon, manghang-mangha at walang siyang masabi.Tiningnan lang siya ni Adrian at sinabing. “Get used to it. You’re my wife. And the wife of a Velasco doesn’t live small.”Huminga si Elena nang malalim, pero ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Hindi ito basta tahanan. Para sa kanya isa itong kaharian na pinalilibutan ng kanyang bagong katotohanan.Ipinakita ni Adrian ang
Last Updated: 2025-08-20
Chapter: The Unexpected VowsChapter 3 Hindi alam ni Elena kung paano siya nakatulog kagabi. O kung nakatulog nga ba siya. Magdamag siyang gising, iniisip ang mga salita ni Adrian, na bukas, siya na ay magiging asawa nito. Ang bawat segundo ay parang nagkaroon ng pagsisikip sa kanyang dibdib, parang bawat hininga ay may pumipigil.Ngunit ngayon, heto na siya ngayon. Nakaupo sa harap ng mesa ng huwes, hawak ang ballpen at nanginginig ang mga kamay. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili habang nakatitig sa marriage contract. Sa tabi niya ay nakatayo si Adrian, kalmado ito at parang walang mabigat na nangyayari sa kanyang mundo. Naka-black suit ito, flawless, bawat detalye ng pananamit niya ay maayos na parang isang mannequin. Sa kanyang mga mukha ay walang bakas ng pagdududa, wala ring emosyon na ipinapakita.“Elena, sign it,” mahina na sabi ng kanyang ama mula sa gilid. Ang nararamdaman niya lang ng mga oras na iyon ay kaba at hiya, at nakikita din niya ang pasakit sa mga mata ng kanyang ama, magkahalong pagsisis
Last Updated: 2025-08-20
Chapter: The Deal SealedChapter 2“Papa… sabihin mo sa kanya na hindi ako papayag!”Halos pasigaw na si Elena, nanginginig ang kanyang mga kamay, habang nakatayo siya sa harap ni Adrian, matikas, malakas, at parang hindi narinig ang kanyang sigaw. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng lumang sala ay hindi nakatulong dahil nagdulot din ito ng panlalamig sa kanyang katawan dahil sa takot at galit.Ngunit ang kanyang ama ay nakayuko lang, tahimik, walang masabi. Parang nawalan na ng lakas ang matanda, na tila ba alam niyang wala nang pagkakataon para ipaglaban ang anak.“Elena!” sambit ni Adrian.Isang salita lang, pero ramdam ni Elena ang bigat nito. Humarap siya kay Adrian, at sa unang pagkakataon, naglapat ang kanilang mga mata. Ang madilim at malamig na titig ng lalaki ay hindi basta-basta. Parang bawat galaw niya ay may kapangyarihang hindi matanggihan.“I already paid for your father’s debts. In return, you will be my wife,” malamig niyang pahayag.Nanigas ang katawan ni Elena. Ang bawat salit
Last Updated: 2025-08-20
Chapter: SoldChapter 1 “Elena… anak, patawarin mo ako.”Nanlulumong boses ng kanyang ama habang iniabot sa kanya ang makapal na papel na parang mabigat na bato sa kanyang mga kamay. Nasa sala sila ng kanilang lumang bahay na may kahoy na sahig at pinto na lumalangitngit sa bawat higpit ng hangin. Ang kisame ay may mantsa ng ulan at ang bintana ay may kurtina na medyo kupas na. Kahit luma at may bitak ang dingding, ramdam mo ang alaala sa bawat sulok, tila bawat sahig at haligi ay may kwento ng pamilya. Para sa ama ni Elena, hindi ito basta bahay, ito na lang ang huling piraso ng nakaraan, at ito ang kanyang panghawakan ng buong puso. Kinuha ni Elena ang dokumento. Sa unang sulyap, hindi niya agad maintindihan. Pinagmasdan niya itong mabuti at nang mabasa niya ang mga malalaking letra sa taas, biglang nanlamig ang kanyang buong katawan.Contract of Marriage.Parang kinukuryente ang kanyang utak. Kumirot ang sikmura niya at nanginginig ang kanyang labi.“Papa… ano ‘to?” basag ang kanyang tinig.Hal
Last Updated: 2025-08-20