author-banner
Lady_Inkfinite
Lady_Inkfinite
Author

Lady_Inkfiniteの小説

Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
読む
Chapter: CHAPTER 7: ANG HAMON KAY HEATHER
"P-Philip?" tawag ko sa kaniya sa malambing na boses.Nag-arko agad ang noo niya. "Are you okay, Heather?"Bigla ako natauhan at napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Dumako ang tingin ko sa bintana para bawiin ang sariling lakas."I-Uh-yes," nauutal ko na sagot.Pinilit ko ikalma ang sarili bago ibalik ang tingin sa kaniya. "Phil—" Agad ako napahinto at tila naging estatwa nang lumingon ako dahil nakalapit pala ang mukha niya sa akin at amoy ko na ang mabango niyang hininga. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko at anumang oras ay babagsak ako dahil hindi ko alam ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ngayon.Hindi ni Philip pinalagpas ang ilang segundo at agad na lumabas ng sasakyan at iniwan ang kontrata."Teka! Kotse ko 'yan!" sigaw ko, nang gamitin niya ang sasakyan ko paalis at humarurot ng pagpapatakbo.Hindi ko na siya hinabol pa. Hawak ang sariling dibdib ay nagderetso ako sa loob ng mansiyon."Heather? Heath.." tawag sa akin ni lola pero hindi ko na pinansin.Hindi ko
最終更新日: 2025-12-02
Chapter: CHAPTER 6: KAKAIBANG SENSASYON
Binilisan ko na lamang ang pag-uwi dahil oras na rin. Habang nasa daan ay tinuyo ko muna ang luha at inayos ang postura dahil baka makita ito ni lola.Marahan ko na ipinarada ang sasakyan sa garahe at huminga ng malalim bago buksan ang pintuan ng sasakyan. Dahil alam ko na lahat ng galaw ko dito sa bakuran niya ay nakikita.Nang makita ako ng Chief Housemaid namin na bumaba ng sasakyan, agad niya ako nilapitan kasama ng iilang maid."Ma'am, naririto po ang tiyahin niyo. Kanina pa po nila kayo hinihinta," saad niya sa akin habang nakayuko.Napataas ang dalawa kong kilay at bumaling ang tingin sa kanila. "Tita Hilda?" usisa ko.Sa halip na sumagot, tumango na lamang ito habang nakayuko pa rin.Kung nandito si Tita Hilda, nandito rin ba yung demonyita niyang anak?"And Stephanie?" dagdag ko.Tumango siya muli.Biglang nawala ang kaba ko na mapagalitan ni lola at napalitan ng kung ano mang excitement. Dahil alam ko na hindi ako pipigilan ni lola kahit basagin ko ang mga mukha nila.Sa san
最終更新日: 2025-12-02
Chapter: CHAPTER 5: HANGGANG KAILAN MO AKO PAHIHIRAPAN, PHILIP?
Nagising ako na nakahiga na ako sa hospital bed at may suwero na naman na nakakabit sa akin. Napatapik ako sa noo at napabuga sa hangin dahil sa lahat talaga ng ayaw ko, hospital.Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang cellphone ko at tingnan ang oras. May usapan kami ni Philip.Hala! 8:43 na!Saktong magpa-panic na sana ako nang bigla naman may nag-message sa akin.FROM: PHILIPTO: HEATHER"Magpahinga ka muna."Napataas ang dalawa kong kilay nang sabay dahil hindi ako makapaniwala sa message niya. Si Philip ba talaga ito?Saktong nalulunod ako sa sariling tanong, may pumasok naman na isang nurse. Iisang nurse gaya ng dati."Sabi ko naman sayo," aniya sabay lapag ng stainless na bowl sa mesa.Nang makita ko kaagad ito, natakam ako dahil mukhang masarap. Pero...si lola.Napangiti naman ang nurse dahil siguro napansin niya ang naging reaksiyon ko. "Sige na. Alam ko na gusto mo rin."Agad ako nag-iwas ng tingin at tumikhim. "Hindi ako gutom," pagsisinungaling ko.Nagtawa siya at n
最終更新日: 2025-11-27
Chapter: CHAPTER 4: DO IT OR REGRET IT?
"Bakit mo ibebenta ang pinaghirapan ng papá?!" Napatayo ako habang hawak ang papel at bakas ang gigil.Hindi siya kumibo. Hindi man lang siya nakokonsensiya.Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at tumingin ng matalim bago nagsakita. "Sign the paper and I'll prove you that you won't regret any of it," aniya na puno ng kasiguraduhan.Nakipagtitigan pa ako sa mga mata niya para malaman kung nagsisinungaling siya pero bigla naman niya ito iniwas."Hindi ko ito pipirmahan. Hindi ka pa ba nakuntento na nasa iyo na lahat?" usisa ko."Fine. Then you're not leaving," banta niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan."Block the door," utos niya sa katawagan bago ito patayin."Do you think you can threaten me?""Let's say I'm threatening you. That is why you have no choice but to sign that paper.""And why do you think I'll do that?""Fourty eight minutes before the shoot." Tiningnan niya ang relo niya bago bumalik ang tingin sa akin. "Sigurado ka ba na magpapahuli ka, lalo na
最終更新日: 2025-11-27
Chapter: CHAPTER 3: IKAW ANG PINILI AT AKO ANG ISINAKRIPISYO
Kahit na medyo masama ang lagay ng katawan ko, pinilit ko makapunta sa kumpanya dahil utos din naman ito ni lola. Masakit na masampal ulit.Nakita ko ang pagdurugo sa pagkakahugot ko sa suwero pero hindi naman ito gano'n kalala. Baka mamaya ay lumipas din. "It's just a blood," sambit ko kahit na sa totoo ay masakit dahil sa pagkabigla kanina."Good morning, Ms. Villafuerte," bati ng isang empleyado na nasa entrance. Nagyukuan din ang iba maliban kay Director Sanchez.Kakarating ko pa lamang pero may kumukuha na naman ng inis ko. Kahit anong pilit ko na hindi na lamang ito pansinin, hindi kaya ng pride ko. Binalikan ko siya na may matalim na tingin habang nakakrus ang braso."Look who's here. Ang patapon na anak ng Villafuerte," anito.Napataas ang kilay ko dahil sa kayabangan sa tono niya. "Buhay ka pa pala tanda?" Ngumisi ako at yumuko upang bumulong sa kaniya. "Malaki ba ang kinikita mo sa pagnanakaw sa company ng daddy ko?" pabalang kong usisa.Tumawa lamang ito na para bang sinasa
最終更新日: 2025-11-25
Chapter: CHAPTER 2: SAMPAL NA KATUNAYANG HINDI KA SAPAT
Haplos ang pisngi na sinampal ni lola, gulat at pagkabahala ang tanging naramdaman ko."L-lola? B-bakit po?" nauutal kong tanong.Naningkit ang kaniyang mga mata at nagngangalit ang panga na nakatingin lamang sa akin."Kahit kailan..." madiin niyang sambit, "puro gulo at kahihiyan lamang ang dinadala mo!"Nawala ang pagod ko at biglang napalitan ng bigat ng pakiramdam."Lola," marahan kong tawag, "galit po ba kayo sa akin?" tanong ko."Proud? Look at yourself!" aniya, habang dinuduro-duro ako. "Heather, bente singko anyos ka na pero wala ka pang nararating sa buhay mo. Mabuti pa itong hating-kapatid mo na si Philip, naha-handle niya ng maayos ang kumpanya na iniwan ng iyong papá at mamá. E' Ikaw? Pagmomodelo at pag-arte na nga lamang ang ginagawa mo hindi mo pa maiayos!" bulyaw niya sa akin na naging dahilan para mapayuko ako. Biglang nanliit ang tingin ko sa aking sarili dahil sa mga salitang binitawan niya."S-sorry 'la. Wala lang po ako sa mood kanina kaya napagbuntunan ko sila," p
最終更新日: 2025-11-25
あなたも気に入るかもしれません
She's Chasing the Mafia  CEO
She's Chasing the Mafia CEO
Romance · purplemystique.0
1.3K ビュー
BEHIND HER INNOCENCE
BEHIND HER INNOCENCE
Romance · samxjeyann
1.3K ビュー
The Missing Billionaire (TAGLISH)
The Missing Billionaire (TAGLISH)
Romance · AnakNiIbarra
1.3K ビュー
Uncontrollable Anger
Uncontrollable Anger
Romance · Eva Herrera
1.3K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status