
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire
Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho.
Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala.
Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao?
At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso?
Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Baca
Chapter: 4Habang nakatingin si Shawn sa babae, hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan, si Karen na nakaluhod sa harap niya, mahigpit na humahawak sa laylayan ng kanyang pantalon, umiiyak nang buong kababaan."Shawn, please, love me. Kahit konti lang…"Nang bumalik siya sa wisyo, nakita niya ang malamig na mukha ni Kyline. Ang tinig ng lalaki ay seryoso at matatag na parang hindi na niya kayang baguhin."Even if you do it, I can’t love you." Mahina niyang banggit.Kalmado ang mga mata ni Kyline, puno ng hiwaga na parang walang hanggan ang lalim. "I don’t want your love, Shawn," saad niya.Sa paningin ni Shawn, ang ngiti ng babae ay may masamang intensyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, naaalala ang huling gabing may nangyari sa kanila."Shawn, I want you to grant me a wish. At kapag sinabi ko na, hindi mo puwedeng tanggihan ang kondisyon ko," walang emosyong sabi ni Kyline.Kumunot ang noo ni Shawn pero hindi siya nagsalita, inantay niya lang kung ano pa ang sasabihin ni Kyle.Alam ni Kyl
Terakhir Diperbarui: 2025-09-19
Chapter: 3“I will look forward to it,” nakangiting wika ni Rhena bago umalis.Ngumiti rin si Kyline, ngunit mas lalo pang naging misteryoso ang kurba ng kanyang labi. “We’ll see if you can still laugh later.”“Madam,” nag-aalangan ang katulong, “kung gusto niyo po, ako na lang ang maghahanda.”Umiling si Kyline at ngumisi. “No. Ako mismo ang maghahanda ng rose bath para sa ‘dear’ husband ko… at para sa mistress niya.” May halong pang-uuyam ang kanyang tinig habang inaayos ang mga kamay na para bang sabik sa gagawin.Naguguluhan ang katulong. Dati, tuwing gagawin ito ni Karen, halatang bugbog at galit ang emosyon niya. Pero ngayong si Kyline ang nasa harap niya, tila ba mas positibo pa at puno ng expectation ang ginagawa nito.Pagkatapos ihanda ni Kyline ang tubig, pumasok si Rhena sa banyo suot ang kanyang puting bathrobe. Humalukipkip ito at ngumiti, parang inosenteng kuneho. “Karen, I’m used to having someone serve me when I take a bath. Stay and serve me.”Ngumiti nang may pag-aalangan si Ky
Terakhir Diperbarui: 2025-09-19
Chapter: 2“Pinakasalan ka niya para mabuhay ka at magbayad sa mga kasalanan mo. Walang nakakaalam na kambal kayo ni Karen. He doesn’t believe it, but he has to.” Malamig ang tinig ng ama ni Kyline, puno ng kumpiyansa.Pagkatapos ng kanyang salita, biglang narinig ang malalakas at sabay-sabay na yabag sa labas. Nang bumukas ang pinto, pumasok si Shawn, malamlam ang mukha, hawak-hawak ang isang babae na nakasuot ng puting balabal, si Rhena.Nang makita si Kyline, agad nanginig si Rhena at kumapit nang mahigpit sa braso ni Shawn. “Shawn, I’m afraid…” mahina niyang sabi.Bahagyang hinaplos ni Shawn ang kamay nito para pakalmahin bago ibinaling ang malamig na tingin kay Kyline. “Karen, you dare talk about divorce? Sigurado ka ba na kaya mong akuin pati ng Gonzaga ang magiging resulta ng ginawa mong ito?”Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya, mayabang at tila handang ipagtanggol ang ibang babae kaysa sa asawa.Nangitim ang mukha ng ama ni Kyline at mabilis na yumuko sa paghingi ng tawad. “Shaw
Terakhir Diperbarui: 2025-09-19
Chapter: 1Sa madilim na silid, hindi namamalayan ni Kyline na niyakap niya ang isang estranghero. Sa gitna ng kaguluhan, may dalawang kamay na mahigpit na humawak sa kanyang leeg. Isang lalaking gwapo, marangal at malamig ang aura, ang biglang dumagan sa kanya sa kama. Ang kanyang mukha ay puno ng pinipigilang emosyon at halatang galit na may kasamang matinding poot. Kasabay nito, may bahid din ng pilit na pagpipigil.“Even if I die, I will never fall in love with you!” malamig na wika ng lalaki.Akala ni Kyline ay katapusan na niya. Ngunit bigla siyang binitiwan ni Shawn, at kapalit nito’y matinding sakit na naramdaman niya sa kanyang katawan.Mula simula hanggang dulo, hindi kailanman naging emosyonal ang lalaki. Wala man lang halik na ibinigay. Kahit na nasa pinakamalapit silang sitwasyon, ang mga mata nito ay nanatiling malamig at puno ng pagkamuhi.Sa ilalim ng dilim ng silid, umangat si Shawn mula sa kama. Ang ilaw ay nagbigay-diin sa hubog ng kanyang matitigas na likod. Samantala, niyaka
Terakhir Diperbarui: 2025-09-19