The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

last updateHuling Na-update : 2025-09-19
By:  HadaraIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
4Mga Kabanata
4views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.

view more

Kabanata 1

1

Sa madilim na silid, hindi namamalayan ni Kyline na niyakap niya ang isang estranghero. Sa gitna ng kaguluhan, may dalawang kamay na mahigpit na humawak sa kanyang leeg. Isang lalaking gwapo, marangal at malamig ang aura, ang biglang dumagan sa kanya sa kama. Ang kanyang mukha ay puno ng pinipigilang emosyon at halatang galit na may kasamang matinding poot. Kasabay nito, may bahid din ng pilit na pagpipigil.

“Even if I die, I will never fall in love with you!” malamig na wika ng lalaki.

Akala ni Kyline ay katapusan na niya. Ngunit bigla siyang binitiwan ni Shawn, at kapalit nito’y matinding sakit na naramdaman niya sa kanyang katawan.

Mula simula hanggang dulo, hindi kailanman naging emosyonal ang lalaki. Wala man lang halik na ibinigay. Kahit na nasa pinakamalapit silang sitwasyon, ang mga mata nito ay nanatiling malamig at puno ng pagkamuhi.

Sa ilalim ng dilim ng silid, umangat si Shawn mula sa kama. Ang ilaw ay nagbigay-diin sa hubog ng kanyang matitigas na likod. Samantala, niyakap ni Kyline ang sarili, nanginginig sa takot at sakit. Pilit niyang tinakpan ng damit ang mga pasa at bakas ng kagabi.

“Who are you? Bakit mo ako binigyan ng gamot? You drugged me!” nanginginig niyang tanong.

“Me? Drug you?” mariing sagot ni Shawn habang bigla niyang hinawakan ang pulso ng babae. “Hey, stop pretending to be innocent. Sa loob ng tatlong taon, ilang beses mo na akong inuto at nilagyan ng gamot. Don’t you just want me to want you? Hindi ko inakalang this time, ako pa ang nahulog sa trap mo.”

Natigilan si Kyline. “You said… ako ang nag-drug sa’yo? How is that possible?!”

Nakasuot lamang ng maluwag na damit si Shawn, ngunit ang kanyang presensya ay tila yumayanig sa paligid. Ang malamig niyang tingin ay para bang tumitingin sa isang walang kwentang langgam.

“Akala mo ba kapag ipinakidnap mo si Rhena at ginawa ang lahat ng ito, mahuhulog ako sa’yo? Be grateful she’s safe. Dahil kung hindi, kahit ilang ulit ka pang mamatay, hindi iyon sapat na kabayaran.”

Hindi makapaniwala si Kyline. Hindi niya alam kung sino si Rhena o tungkol saan ang sinasabi nitong kidnapping. Gusto na niyang tumawag ng pulis para ipahuli ang lalaking ito.

Ngunit bago pa siya makagalaw, hinawakan ni Shawn ang batok niya at idiniin siya palapit. Ang kanilang mukha ay halos magkadikit. May mapanuyang ngiti sa labi ng lalaki.

“Are you going to call the police to arrest your husband? Karen, Is this your new trick?”

Natigilan si Kyline. “Husband?!” Naisip niya, paano nangyaring bigla na lang siyang may asawa? Isa pa, mula kanina pa, iba ang tawag sa kanya ng lalaki…Karen.

Iyon ang pangalan ng kanyang kapatid na babae.

Hindi pinansin ni Shawn ang pagkabigla niya. Inayos niya ang kanyang kuwelyo, saka tumingin sa puting sapin ng kama na may bakas ng dugo. May mapait na ngiti sa gilid ng kanyang labi.

“I never thought a woman like you would still have her first time.”

Pagkasabi niya noon, kumaway siya at dumating si Aling Judy, may dala-dalang mangkok ng sabaw. Nanginginig ang matanda habang nagsasalita. “Sir, malakas po ang gamot na ito, at mahina ang katawan ni Ma’am. Kung maaari po—”

Hindi na ito natapos. Kinuha ni Shawn ang sabaw at lumapit kay Kyline. Mahigpit niyang pinisil ang baba ng babae, at pinilit ipainom ang laman ng mangkok.

“She…doesn’t deserve to be pregnant with my child.”

Nagpumiglas si Kyline ngunit wala siyang magawa. Pilit niyang nilunok ang mapait na sabaw habang tumutulo ang kanyang luha.

“You don’t love her. Yet you hurt her because of another woman,” mahina niyang bulong, puno ng poot. “A scumbag like you… hindi na dapat sinasamahan kahit hanggang Bagong Taon!”

Nakunot ang noo ni Shawn. “What did you just say?”

“Divorce!” mariin niyang sigaw. Tinulak niya ang lalaki at dali-daling tumakbo palabas ng mansyon, halos hindi makatingin sa kanyang likuran.

Sa unang pagkakataon, bahagyang natigilan ang malamig na mukha ni Shawn. Dati, si Karen ay umiiyak at nagmamakaawa na mahalin siya. Pero ngayon, ito mismo ang nagbitiw ng salitang “divorce”.

Samantala, mabilis na umuwi si Kyline sa bahay nila. Pagdating niya, sinalubong siya ng kanyang ama na halatang kanina pa naghihintay. Agad siyang hinawakan nito sa braso.

“Kumusta? Hindi ba siya nagduda? Hindi ba niya nalaman?”

Sa tono ng ama, ramdam ni Kyline ang pagkabalisa.

“Hindi alam ng iba na kambal kayo ng kapatid mo,” patuloy ng ama. “Magkahawig na magkahawig kayo, kahit ako’y hindi kayo malaman kung sino sainyo ang tunay na Karen o Kyline. Kaya imposible na nakilala ka niya.”

At doon tuluyang nabuo sa isip ni Kyline ang lahat ng duda. Dalawang oras na ang nakalipas, biglang nagpadala ng tao ang kanyang ama, na limang taon na niyang hindi nakikita para sunduin siya mula sa probinsya.

Nang nasa loob na ng kotse si Kyline, bigla siyang nawalan ng malay matapos makasinghot ng isang kakaibang amoy. Pagmulat niya, nasa loob na siya ng mansyon ng mga Constantino at doon niya nakilala ang baliw na lalaking halos pumatay sa kanya at kinuha ang kanyang unang beses.

“Dad, ikaw ba ang nagbigay sa’kin ng gamot? Ikaw ba ang may pakana kung bakit ako napunta kay Shawn? Why did you do this?!” galit na tanong ni Kyline.

Nakapamewang ang kanyang ama, malamlam ang mukha ngunit may halong katalinuhan at panghahamak. At ang panghahamak na iyon, para mismo kay Kyline.

“Why? Dahil sa pamilya natin! Kung hindi dahil nawawala ang kapatid mo ng tatlong araw at hindi alam kung nasaan, hinding-hindi kita hahanapin. Lahat ng resources at pera ng pamilya natin ay nakasalalay ngayon sa Constantino. Sila ang nagdidikta ng buhay at kamatayan ng pamilya natin. Puwede nang maglaho o mamatay si Karen, pero ang asawa ni Shawn ay kailangang mabuhay at magdala ng benepisyo para sa pamilya natin!”

Parang yelo ang biglang bumalot sa utak ni Kyline matapos marinig iyon. Nawala ang kapatid niya ng tatlong araw at walang nakakaalam kung buhay pa ito. Ngunit wala itong halaga sa kanyang ama. Ang mahalaga lang ay may isang “puppet” na makikinabang ang pamilya nila, at siya ang ginawang kapalit.

Malamig na nagpaliwanag pa ang kanyang ama. “Kyline, kailangan mong gampanan ang pagkakakilanlan ng asawa ni Shawn. Hangga’t hindi bumabalik ang kapatid mo, ikaw muna si Karen.”

Nanikip ang dibdib ni Kyline. “Mula nang ipinanganak kami ng kapatid ko, itinuring mo na akong wala. Ipinadala mo ako sa probinsya at ipinahayag mo sa lahat na isa lang ang anak mo. Kung isa lang ang anak ng Gonzaga, then what does this have to do with me?”

Hindi nagpadala ang kanyang ama, bagkus ay nagtanong pa ng tila walang pakialam. “Alam mo lang na lugi buwan-buwan ang kompanya ni Jonas, pero alam mo ba kung gaano karaming illegal at maruruming bagay ang ginagawa niya?”

Napahinto si Kyline. Si Jonas, ang kanyang kasintahan.

“Dad, what do you mean by this?”

Naalala niya ang ilang beses na nagtataka siya sa mga hindi kilalang pinanggagalingan ng pera sa account ng kompanya. Lagi namang sinasabi ni Jonas na iyon daw ay investments ng mga kaibigan niya. Pero ngayon, tila hindi na ganoon kasimple.

Napansin iyon ng kanyang ama. May mapanganib na ngiti ang gumuhit sa labi nito.

“My good daughter, let’s make a deal. Hangga’t magpanggap kang kapatid mo at gampanan ang papel ng asawa ni Shawn, mananatili ang pakikipag-ugnayan ng Gonzaga at Constantino. At ang lahat ng ebidensya laban kay Jonas ay hinding-hindi iyon makakarating sa pulis. At mananatili kayong ligtas.”

Muling pumasok sa isip ni Kyline ang pangako ni Jonas noon. “Ky, kapag naging matagumpay ang negosyo ko, I will marry you immediately.”

Kung tatanggi siya ngayon, posibleng madamay si Jonas at siya mismo sa bitag ng kanyang ama.

Tinitigan niya ang sariling ama, at sa kaloob-looban niya, pakiramdam niya ay nakikipagkasundo siya sa isang demonyo. At ang demonyong iyon ay walang iba kundi ang taong nagbigay sa kanya ng buhay.

Matagal siyang nag-alinlangan, pero sa huli, pinilit niyang lakasan ang loob at sumang-ayon.

Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, saka nagtanong. “Ang Constantino ang pinakamakapangyarihang pamilya sa ibang bahagi ng Luzon. Si Shawn ang boss nila, ang tinatawag na proud son ng pamilya. Sa murang edad, siya na ang naging pinakamayamang tao sa buong mundo. Sinasabi nilang he is decisive, cold-blooded, ruthless, at sobra ang pagka-suspicious. Are you sure… kaya natin siyang lokohin?”

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
4 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status