Chapter: Chapter 4Chapter 4“U-uncle Tristan,” nauutal na wika ni Cedric habang nanlalaki ang matang nakatingin sa tiyuhin na ngayon ay yakap ng isang kamay si Gaile.Napatingala naman ang babae at napalunok ng laway nang makitang sa dibdib ni Tristan lumanding ang mukha niya. Agad niyang naitukod ang palad sa dibdib ng lalaki at bahagyang tinulak ito.“U-uncle Tristan,” nauutal niyang wika habang nagtataka kung bakit nasa eskwelahan nila ang lalaki.“Is that the right way to treat your aunt, Cedric?” mabalasik na tanong ni Tristan. Agad namang napayuko ang lalaki bago umatras.“I'm sorry, Uncle,” anito habang nakayuko pero masama ang pagkakatingin kay Gaile.Agad namang lumapit si Krystal at hinawakan ang braso ni Tristan. Para itong isang maamong tupa na hindi makabasag pinggan. “Ahm, Tristan, wala namang kasalanan si Cedric. Pinagyayabang kasi ni Gaile na mag-asawa na kayong dalawa kaya sinita lang siya ni Cedric,” wika pa ng babae.Agad namang napatingin si Gaile sa kanyang ate. Hindi talaga siya m
Last Updated: 2025-10-10
Chapter: Chapter 3Chapter 3Dumiretso ang bagong kasal sa isang mamahaling subdivision. Sa pagkakaalala ni Gaile, may bahay doon si Tristan kaya lalo siyang kinabahan. Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Gaile tapos ngayon ay may asawa na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki.Pumasok ang kotse sa magarang bahay. Pagbaba ni Tristan sa kotse ay alanganin din siyang bumaba. Inalis muna niya ang suot na stiletto dahil kanina pa sumasakit ang paa niya pagkatapos ay mabilis na bumaba. Patakbo niyang sinundan si Tristan papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang siya dito hanggang paakyat ng magarang hagdan. Napakalaki ng bahay ng lalaki, mas magara pa kaysa mansion nila. Sabagay, mas mayaman naman ang mga Venzon kaysa sa mga Cuevaz, idagdag pa ang mga sariling investment ni Tristan sa iba't ibang kumpanya.Huminto sa tapat ng pinto si Tristan, mukhang iyon na ang kwarto ng lalaki. Nang pumasok ito ay pumasok na din siya. Iginala niya ang paningin sa paligid hangga
Last Updated: 2025-10-06
Chapter: Chapter 2“Where's the groom?”“My gosh, kanina pa naghihintay ang bride, nasaan na ba ang groom?”“Ano pa bang aasahang mangyari? Edi tumakbo na. Sino ba naman kasi ang gugustuhing magpakasal sa isang manang, 'di ba?”Samo't sari ang usapan ng mga tao sa harap ng simbahan. Sadya pa ngang nilalakasan ni Krystal at ng mga kaibigan nito ang pagtsitsismisan para marinig niya kahit nasa loob siya ng bridal car.Malaking kahihiyan ito lalo na sa pamilya ni Gaile kung hindi sisipot ang groom. Isang oras na itong late at hindi sigurado kung darating pa ba ito.Sa totoo lang, ipagpapasalamat pa ni Gaile kapag hindi sumipot si Cedric. 20 years old lang siya para matali sa isang kasal na wala namang pagmamahal. Madudusa lang siya dahil kinamumuhian niya si Cedric“Gaile, ano bang ginawa mo? Bakit wala pa si Cedric?” nag-aalalang wika ng Mama niya na kasama niya sa bridal car.“Ma, hindi ko po alam. Tayo ang magkasama mula pa kanina kaya pano ko malalaman?” aniya. Agad namang tinampal ng ginang ang braso
Last Updated: 2025-10-06
Chapter: Chapter 1Chapter 1“Ma, Pa, hindi ninyo p'wedeng gawin sa akin 'to! Bata pa po ako para magpakasal,” luhaang pakiusap ni Gaile sa mga magulang. Ilang araw na mula nang malaman niyang pinagkasundo siya ng mga ito sa apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.Nang gabing 'yon ay pumasok sa kwarto niya ang mga ito dahil bukas na ang kasal niya. Muli siyang nakiusap pero bingi talaga sa kanya ang pamilya niya.Ang sakit lang isipin na para lang siyang gamit kung ipamigay ng sarili niyang pamilya.“Hailey Gaile! You know what will happen to us once you cancel your wedding. All of this... this lavish life will turn into nothing! Kaya kapag sinabi kong magpapakasal ka, magpapakasal ka, and that's final!” gigil na turan ng ama niya habang dinuduro siya. Marahas itong tumalikod at nauna nang lumabas ng silid niya.Awang ang bibig, at luhaan ang mga matang sinundan niya ang paglabas ng ama niya. Tangka sana niya itong habulin ng tawag subalit hindi na niya nagawa. Tanging ang ina at ang Ate Krystal niyang
Last Updated: 2025-10-06