MasukIsang linggo bago ang kasal ni Sandra, nagdesisyon siyang sulitin ang pagiging dalaga kaya uminom siya sa isang bar. Sinabi niya sa fiancé na sunduin siya sa isang hotel room dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Ngunit dahil sa kalasingan, maling silid ang napasok ni Sandra. Isang lalaki ang nandoon sa kwarto at inakala niyang ito ang kanyang fiancé, dahilan upang ibigay niya ang katawan sa lalaki. Kinaumagahan, nagising si Sandra, gulat na gulat ito nang makitang hindi ang fiancé ang kanyang katabi. Mas lalo siyang nagulantang nang maaktohan siya ng fiancé sa loob ng silid na iyon, kasama ang ibang lalaki na tanging kumot lang ang nakatakip sa kapwa hubad na katawan.
Lihat lebih banyakSandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVNAKATANAW ang aking mata sa bintana ng eroplano habang pinanonood ang makapal na ulap. Kasalukuyan kaming nasa business class flight patungo sa Europe at doon namin nais magsimulang muli. Nakabili na rin kami ng condo roon at sariling sasakyan. Everything is ready pero pakiramdam ko pa r
Sandra's POVHUMINGA ako nang malalim at pinakalma ang sarili, saka humalukipkip at diretsong tumingin sa kanya."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.Kumunot ang kanyang noo at pasimpleng sumilip sa loob ng aking bahay. Tumaas naman ang aking kilay nang makita ko ang ginawa niyang ito."Mag-isa ka lang
Sandra's POVRAMDAM ko ang malambot na kama na aking hinihigaan. Unti-unti nang nagising ang aking diwa nang maamoy ko ang paligid at amoy ospital ito. Dahan-dahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali, nasa loob nga ako ng ospital."Buti naman at gising ka na," rinig
Sandra's POV"Sir Lucas, sa kabila po ang conference room," diretsong saad ni Gab sa kanya habang ako naman ay prenteng nakaupo sa aking upuan.Kalmado ang aking sarili nang magtama ang tingin namin ni Lucas. Animoy hinuhuli niya ako sa mga tingin niyang iyon. Maya-maya lang, dumapo ang tingin niya ka
![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak