Chapter: Chapter 26 – Freak AccidentGigiTahimik kaming dalawa ni Mom habang nasa loob ng kwarto niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nakatayo sa harap niya, naka-cross arms at nag-iisip. Kanina pa umiikot sa isip ko kung paano namin tuluyang mapapaalis si Cassandra sa bahay na ito. Hindi sapat na pinagdududahan lang siya ni Dad. Kailangan may mangyari na hindi niya kayang ipaliwanag.Huminga ako ng malalim saka ko tinignan si Mom. “Mom, I have a plan,” sabi ko, medyo mababa ang boses pero sigurado ako sa sasabihin ko. “Para mapaalis na siya dito. Hindi na siya babalik.”Tumaas ang kilay ni Mom at bahagyang ngumiti. “Oh? I’m listening.”Lumapit ako ng kaunti at bahagyang yumuko para mas marinig niya. “Aawayin ko siya. Sasabihin ko na cheater ang mama niya. Alam mo naman yun, madaling mag-react si Cassandra kapag tungkol sa nanay niya. Then pag nagalit na siya… I’ll make it look like sinaktan niya ako.”Sandaling natahimik si Mom, tapos bigla siyang natawa. Hindi malakas, pero halata mong natutuwa siya
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-19
Chapter: Chapter 25 – Snake Vs SnakeMadam Sonya Nakatayo ako sa harap ng gate ng mansion habang nakatingin sa lalaking kanina pa sumisigaw ng pangalan ni Elena. Halata sa itsura niya na galit na galit siya at parang matagal na siyang may hinanakit sa babaeng iyon. Gusot ang buhok niya at mukhang pagod, pero hindi iyon ang mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay kung totoo ba ang sinasabi niya—na boyfriend siya ni Elena.Kung totoo iyon, napakalaking problema iyon para kay George… at napakalaking opportunity naman para sa akin.Lumapit ako nang kaunti sa gate at tinaasan ko siya ng kilay habang naka-cross arms.“What’s your name?” tanong ko sa kanya nang diretso.Sandali siyang napatingin sa akin na parang nagtataka kung bakit ako nagtatanong, pero mukhang gusto rin niyang may makinig sa kanya kaya sumagot siya.“Mark,” sabi niya habang mabigat pa rin ang paghinga niya.Tumango ako ng bahagya habang pinag-iisipan ang susunod kong sasabihin. Ramdam ko sa tabi ko sina Gigi at Gabriel na tahimik lang nakikinig sa usapan.“So Mar
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-18
Chapter: Chapter 24 – Go to the flowGigiHabang nakaupo pa rin ako sa bench malapit sa pool ay tinatapos ni Gabriel ang paglalagay ng benda sa maliit na sugat sa kamay ko. Hindi naman talaga malalim ang hiwa, pero sapat na iyon para magmukhang totoo ang nangyari kanina.Nakakunot ang noo ni kuya habang maingat niyang binabalot ang benda sa kamay ko. Napailing siya pagkatapos.“I know what you two are doing,” sabi niya habang nakatingin sa akin at kay Mom. “Do you really need to get hurt just to make Cassandra look that bad?”Napatingin ako sa kanya pero bago pa ako makasagot ay nauna nang magsalita si Mom. Napasimangot siya at bahagyang umiling.“Mas convincing,” sagot niya. “At isa pa, do you think your father George is easy to manipulate?”Sandali siyang tumingin sa mansion, parang sinisigurong wala si Dad sa paligid bago siya nagpatuloy magsalita.“Of course not,” dugtong niya habang mababa ang boses. “Hindi siya basta-basta maniniwala kung walang dahilan. Kaya nga kailangan maingat ang mga galaw natin. Kung may mang
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-17
Chapter: Chapter 23 – True ColorGigiKinabukasan ng umaga ay nasa labas kami ng mansion. Nakaupo kami ni Mom sa bench malapit sa swimming pool habang pinagmamasdan ang paligid. Maganda naman talaga ang mansion ni Dad, pero sa totoo lang hindi ko pa rin ito maituturing na bahay namin. Parang guest lang kami dito, at hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.Naka-cross ang legs ko habang nakasandal sa bench. Si Mom naman ay tahimik lang sa tabi ko, naka-cross arms at parang may malalim na iniisip. Kahit hindi siya magsalita, alam kong pareho kami ng iniisip… si Cassandra. Kagabi pa namin pinag-usapan kung paano namin makukuha ulit ang tiwala ni Dad at kung paano namin ipapakita na hindi ganoon kabait ang stepdaughter ng asawa niya.“Mom,” sabi ko habang nakatingin sa tubig ng pool, “remember what we talked about last night?”Hindi siya agad sumagot pero napangisi siya ng kaunti. Ibig sabihin alam na niya agad ang tinutukoy ko.Habang nakaupo kami roon ay may nakita akong dumadaan sa gilid ng pool. Si Cassandra. Napansin
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-16
Chapter: Chapter 22 – Get his trust backMadam SonyaPagkatapos ng eksena sa sala kanina, nagpunta kaming tatlo nina Gigi at Gabriel sa guest room na ibinigay sa akin. Umupo ako sa sofa habang sila naman ay nasa harap ko. Tahimik muna ang sandali dahil halata na pareho silang nag-iisip. Alam kong hindi rin sila komportable sa sitwasyon sa mansion. I mean, this used to be our life before. Kahit matagal na kaming hiwalay ni George, hindi ko pa rin maiwasan na mainis kapag may ibang tao na parang pumalit sa lugar namin.Si Gigi ang unang nagsalita habang nakasandal siya sa armchair.“Mom,” sabi niya habang nakatingin sa akin, “so what’s our next plan?”Hindi agad ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanila habang iniisip ko ang susunod na gagawin. Bago pa ako makapagsalita ay si Gabriel na ang nagbigay ng opinyon niya.“Look,” sabi niya habang nakapamewang at bahagyang napapailing, “mukha naman mabait si Cassandra. I mean… siya pa nga yung nag-convince kay Dad na pumayag na dito muna tayo mag-stay, right?”Sandali siyang tumigil
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-15
Chapter: Chapter 21 – Under One RoofDon GeorgeHalata sa mukha nina Gigi at Gabriel na naiilang sila sa sitwasyon. Ako naman ay pilit na pinipigilan ang inis ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Sonya ang mga sinasabi niya o talagang ganoon lang siya magsalita.Biglang lumapit si Gigi. “Dad, pwede bang mag-stay muna si Mom dito?”Napatingin ako sa kanya agad. “What?” sabi ko.Sumingit naman si Gabriel. “Just for a while lang. Wala naman siyang ibang matutuluyan right now na malapit na hotel. Mukhang uulan na rin sa labas. Mahirap ng magdrive baka mapano pa siya.”Napailing ako habang napapikit sandali. Parang hindi sila nag-iisip. Alam naman nila na may asawa na ako ngayon. Kahit na wala na si Elena ay hindi magandang tignan na nasa iisang bubong kami lahat.“No way,” sabi ko habang tumitingin sa kanilang dalawa. “Alam ninyo naman na may bago na akong asawa.”“Dad, please,” sabi ni Gigi. “Hindi naman kami dito titira ng matagal.”“Hindi ‘yan ang point,” sagot ko. “This is not her house anymore.”Napatingin ako kay Son
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-14