MasukCassandra
One Year Ago…
Magkasama kami ni mama na tumatakbo papunta sa hospital dahil kasama raw si papa sa mga dinalang pasyente mula sa isang malaking car accident sa Edsa.
Nang makarating kami ay sa morgue na kami ng hospital pinatuloy kaya alam na namin wala na ito.
“Luis!” sigaw ni mama habang niyayakap ang wala ng buhay na katawan ni papa.
Ako naman ay halos matumba sa sahig dahil sa manghihina. Tinulungan pa ako ng ilang nurse at mga ibang tao na naroon rin at nag-iiyakan.
Napuno ng hagulgulan ang buong morgue ng mga kapamilya ng mga nasawi, nasa isang dosena rin siguro ang bangkay na naroon.
Hindi ko na alintanan na mabahiran ng dugo ang puti kong uniform habang nakakapit sa ulo ni papa na halos hindi na makilala.
Dumating naman ang mga pulis at nagbigay ng statement, “Nahuli na ang lasing na driver ng Van pero…”
“Pero ano?” tanong ng isa na naroon.
Napailing ang pulis saka muling nagsalita, “Kaso ay nakapag piyansa dahil anak pala ni congressman.”
Napalitan ng galit ang kanina ay iyakan. Ano ba ang laban namin sa anak ng isang mayaman na pulitiko? Lalo na at nasa bansa kaming talo ng mayaman ang mahirap pagdating sa hustisya.
“Ano ngayon? Papalayin ninyo nalang? Paano naman kaming mga namatayan?” umiiyak kong sigaw.
Nasa last year na ako sa kurso kong Physical Theraphy at sigurado ko na my posibilidad na mahinto ako sa pag-aaral dahil si papa lang naman ang nagtatrabaho sa amin.
Bago pa makasagot ang pulis ay may dumating na abogado at ilan pang mga pulis. Mayroon pang bodyguard na ng tignan ko ay nakauniform na may tatak ng congressman.
“Ako si Attorney Julius Samonte, ang abogado ni Carl Ledesma, kinakalungkot namin ang balitang nangyari pero sinisiguro ni Congressman Arthur Ledesma na bibigyan tulong pinasyal ang lahat ng naapektuhan. Sasagutin ang pagpapalibing at magbibigay ng cash benefits na 100,000 bawat pamilya. Si Carl po ay menor de edad, 16 palang siya kaya hindi siya makakasuhan. Siya po ay dadalhin na sa amerika upang doon ipagamot dahil na trauma rin ang bata.”
Galit akong tumakbo sa harap kaya agad humarang ang mga body guard at ilang pulis pero hindi ako nagpadaig.
“100,000? Iyon lang ba ang halaga ng papa ko? Nawalan ako ng ama, yung iba dito nawalan ng ina! Nang anak! Nang asawa! Nang kapatid! Tapos sasabihin ninyo ay dinala na sa amerika ang demonyong pumatay sa mga mahal namin dahil na trauma? Kami? Anong palagay ninyo sa amin? Habambuhay rin naming itong dadalgin!” sigaw ko na pinilit pinipigilan ang luha pero bigo ako at parang bukal na patuloy sa pag-agos.
Napatango naman ang abogado saka muling nagsalita, “Naiintindihan ko pero sabi ko nga ay hindi naman tumakas sa anumang responsibilidad ang pamilya ni Congressman. Dapat ay magpasalamat pa nga kayo dahil wala na kayong gastos sa pagpapalibing, Yung 100,000 naman na pera ay gamitin ninyo sa pagsisimula ng negosyo. Hindi na ‘yun masama.”
Gusto ko pa sana sumagot pero umalis na ito kasama ng iba pang pulis at body guard, bumalik ako sa tabi ni mama na tulala pa rin.
Isang araw lang ay sabay sabay inilibing ang mga bangkay sa isang pampublikong sementeryo, at ibinigay ang pera kasama ang isang kasunduan papel na pinapirmahan na hindi na kami magrereklamo o mag sasampa ng kaso.
Wala na kaming nagawa dahil parang sapilitan ang ginawa pagpirma saka kami pinakawalan ng mga pulis.
Pag-uwi sa inuupahang apartment ay nagulat kami na naroon ang mayaman pero sakim na kasera namin na si Madam Ruiz, “Nabalitaan ko na namatay na si Luis, ang ibig lang sabihin ay hindi na kayo makakabayad pa. Kaya may isang buwan kayo para maghanap ng malilipatan.”
Parang sumabog naman na si mama siguro ay dala ng galit at lungkot sa mga nangyayari ay dinuro nito si Madam Ruiz at sinigawan, “Sobrang gahaman mo naman! Ni minsan ay hindi naman kami nahuli sa bayad! Maski wala na si Luis ay magtatrabaho ako! Napaka ganid mo sa perang matanda ka!”
Hindi naman nagpatalo si Madam Ruiz dahil napahiya sa mga tao kaya agad nitong kinuha ang susi, “Gahaman pala! Pwes! Lumayas na kayo ngayon rin!”
Pinigil ko na si mama dahil baka magkasakitan pa at makulong siya, may asawang pulis si Madam Ruiz kaya mayabang ito. Akala mo ay hawak ang batas.
Sa isang mumurahing motel kami tumuloy habang wala pang nakukuhang bagong apartment na matitirhan.
Mabilis naubos ang 100,000 kaya nagsimula kami parehong maghanap ng trabaho. Huminto muna ako sa pag-aaral para maging cashier sa isang convenience store habang janitor naman si mama sa isang restaurant.
Pero dahil sa maliit ang sahod ay kulang ito para sa amin. Sa halos pitong buwan namin na pagtatrabaho ay wala pa rin ipon at hindi sapat sa araw-araw na gastusin kaya ipinasya ni mama na mag abroad para maging domestic helper.
Ayoko sanang maiwan mag-isa pero dahil ito lang ang paraan para makapag-aral akong muli ay wala akong nagawa.
“Anak, mag-iipon lang tayo, isang taon lang. Kapag nakatapos ka ng nursing ay uuwi na ako.”
Iyong ang huling sinabi ni mama bago kami nagkahiwalay. Sobrang alala ko dahil isang buwan na ang lumipas ay wala itong tawag o text man lang. Wala itong padala na pera kaya hindi pa rin ako nakapag patuloy sa pag-aaral at nagtatiyaga sa kinikita sa pagca-cashier.
Halos kalampagin ko ang agency para alamin kung buhay pa ba ang mama ko. Puro sinasabi naman na nasa maayos ito pero hindi ako naniniwala.
Nang paglipas ng 3 buwan ay bigla umuwi si mama, maayos ang damit nito at nagmukhang mayaman pero ang ikinagulat ko ay ng may kasama itong matandang lalake. Naka wheelchair at mukhang mahina.
“Anak, sorry at hindi ako nakatawag man lang sa iyo. Inabuso kasi ako nung nauna kong employer. Sinasaktan at hindi ako pinapakain. Mabuti at nailigtas ako kaso ay hindi ko na nabalikan ang gamit ko. Maski cellphone kaya hindi ako nakatawag. Siya nga pala si si Don George Elizalde, siya ang kumupkop sa akin… Siya rin ang fiancé ko. Siya ang magiging step father mo.”
GigiTahimik kaming dalawa ni Mom habang nasa loob ng kwarto niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nakatayo sa harap niya, naka-cross arms at nag-iisip. Kanina pa umiikot sa isip ko kung paano namin tuluyang mapapaalis si Cassandra sa bahay na ito. Hindi sapat na pinagdududahan lang siya ni Dad. Kailangan may mangyari na hindi niya kayang ipaliwanag.Huminga ako ng malalim saka ko tinignan si Mom. “Mom, I have a plan,” sabi ko, medyo mababa ang boses pero sigurado ako sa sasabihin ko. “Para mapaalis na siya dito. Hindi na siya babalik.”Tumaas ang kilay ni Mom at bahagyang ngumiti. “Oh? I’m listening.”Lumapit ako ng kaunti at bahagyang yumuko para mas marinig niya. “Aawayin ko siya. Sasabihin ko na cheater ang mama niya. Alam mo naman yun, madaling mag-react si Cassandra kapag tungkol sa nanay niya. Then pag nagalit na siya… I’ll make it look like sinaktan niya ako.”Sandaling natahimik si Mom, tapos bigla siyang natawa. Hindi malakas, pero halata mong natutuwa siya
Madam Sonya Nakatayo ako sa harap ng gate ng mansion habang nakatingin sa lalaking kanina pa sumisigaw ng pangalan ni Elena. Halata sa itsura niya na galit na galit siya at parang matagal na siyang may hinanakit sa babaeng iyon. Gusot ang buhok niya at mukhang pagod, pero hindi iyon ang mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay kung totoo ba ang sinasabi niya—na boyfriend siya ni Elena.Kung totoo iyon, napakalaking problema iyon para kay George… at napakalaking opportunity naman para sa akin.Lumapit ako nang kaunti sa gate at tinaasan ko siya ng kilay habang naka-cross arms.“What’s your name?” tanong ko sa kanya nang diretso.Sandali siyang napatingin sa akin na parang nagtataka kung bakit ako nagtatanong, pero mukhang gusto rin niyang may makinig sa kanya kaya sumagot siya.“Mark,” sabi niya habang mabigat pa rin ang paghinga niya.Tumango ako ng bahagya habang pinag-iisipan ang susunod kong sasabihin. Ramdam ko sa tabi ko sina Gigi at Gabriel na tahimik lang nakikinig sa usapan.“So Mar
GigiHabang nakaupo pa rin ako sa bench malapit sa pool ay tinatapos ni Gabriel ang paglalagay ng benda sa maliit na sugat sa kamay ko. Hindi naman talaga malalim ang hiwa, pero sapat na iyon para magmukhang totoo ang nangyari kanina.Nakakunot ang noo ni kuya habang maingat niyang binabalot ang benda sa kamay ko. Napailing siya pagkatapos.“I know what you two are doing,” sabi niya habang nakatingin sa akin at kay Mom. “Do you really need to get hurt just to make Cassandra look that bad?”Napatingin ako sa kanya pero bago pa ako makasagot ay nauna nang magsalita si Mom. Napasimangot siya at bahagyang umiling.“Mas convincing,” sagot niya. “At isa pa, do you think your father George is easy to manipulate?”Sandali siyang tumingin sa mansion, parang sinisigurong wala si Dad sa paligid bago siya nagpatuloy magsalita.“Of course not,” dugtong niya habang mababa ang boses. “Hindi siya basta-basta maniniwala kung walang dahilan. Kaya nga kailangan maingat ang mga galaw natin. Kung may mang
GigiKinabukasan ng umaga ay nasa labas kami ng mansion. Nakaupo kami ni Mom sa bench malapit sa swimming pool habang pinagmamasdan ang paligid. Maganda naman talaga ang mansion ni Dad, pero sa totoo lang hindi ko pa rin ito maituturing na bahay namin. Parang guest lang kami dito, at hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.Naka-cross ang legs ko habang nakasandal sa bench. Si Mom naman ay tahimik lang sa tabi ko, naka-cross arms at parang may malalim na iniisip. Kahit hindi siya magsalita, alam kong pareho kami ng iniisip… si Cassandra. Kagabi pa namin pinag-usapan kung paano namin makukuha ulit ang tiwala ni Dad at kung paano namin ipapakita na hindi ganoon kabait ang stepdaughter ng asawa niya.“Mom,” sabi ko habang nakatingin sa tubig ng pool, “remember what we talked about last night?”Hindi siya agad sumagot pero napangisi siya ng kaunti. Ibig sabihin alam na niya agad ang tinutukoy ko.Habang nakaupo kami roon ay may nakita akong dumadaan sa gilid ng pool. Si Cassandra. Napansin
Madam SonyaPagkatapos ng eksena sa sala kanina, nagpunta kaming tatlo nina Gigi at Gabriel sa guest room na ibinigay sa akin. Umupo ako sa sofa habang sila naman ay nasa harap ko. Tahimik muna ang sandali dahil halata na pareho silang nag-iisip. Alam kong hindi rin sila komportable sa sitwasyon sa mansion. I mean, this used to be our life before. Kahit matagal na kaming hiwalay ni George, hindi ko pa rin maiwasan na mainis kapag may ibang tao na parang pumalit sa lugar namin.Si Gigi ang unang nagsalita habang nakasandal siya sa armchair.“Mom,” sabi niya habang nakatingin sa akin, “so what’s our next plan?”Hindi agad ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanila habang iniisip ko ang susunod na gagawin. Bago pa ako makapagsalita ay si Gabriel na ang nagbigay ng opinyon niya.“Look,” sabi niya habang nakapamewang at bahagyang napapailing, “mukha naman mabait si Cassandra. I mean… siya pa nga yung nag-convince kay Dad na pumayag na dito muna tayo mag-stay, right?”Sandali siyang tumigil
Don GeorgeHalata sa mukha nina Gigi at Gabriel na naiilang sila sa sitwasyon. Ako naman ay pilit na pinipigilan ang inis ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Sonya ang mga sinasabi niya o talagang ganoon lang siya magsalita.Biglang lumapit si Gigi. “Dad, pwede bang mag-stay muna si Mom dito?”Napatingin ako sa kanya agad. “What?” sabi ko.Sumingit naman si Gabriel. “Just for a while lang. Wala naman siyang ibang matutuluyan right now na malapit na hotel. Mukhang uulan na rin sa labas. Mahirap ng magdrive baka mapano pa siya.”Napailing ako habang napapikit sandali. Parang hindi sila nag-iisip. Alam naman nila na may asawa na ako ngayon. Kahit na wala na si Elena ay hindi magandang tignan na nasa iisang bubong kami lahat.“No way,” sabi ko habang tumitingin sa kanilang dalawa. “Alam ninyo naman na may bago na akong asawa.”“Dad, please,” sabi ni Gigi. “Hindi naman kami dito titira ng matagal.”“Hindi ‘yan ang point,” sagot ko. “This is not her house anymore.”Napatingin ako kay Son
Cassandra“Cassandra,” sabi niya habang nakatayo sa harap ko. “Pwede ba kitang mahingan ng tulong?”“Ano po ‘yon, Sir?” tanong ko.Hindi siya agad sumagot. Tumayo lang siya at naglakad papunta sa hagdan. “Sumunod ka na lang.”Gusto ko sanang tumanggi. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba sa to
Don GeorgeNakatayo lang ako sa sala habang pilit kong pinipigilan ang inis ko. Hindi ko inaasahan na darating dito si Sonya. Sa totoo lang, gusto ko na nga sanang paalisin sina Gigi at Gabriel sa bahay dahil pakiramdam ko ay may napapansin na silang kakaiba. Tapos ngayon, bigla pang susulpot ang d
CassandraBigla niya akong hinalikan. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakasigaw. Naramdaman ko lang ang labi niya sa labi ko, mariin at agresibo. Parang tumigil ang mundo ko sa isang iglap. Nanigas ang buong katawan ko sa gulat.Sinubukan kong itulak siya pero mas malakas siya sa akin. Ramdam ko
SonyaHuminto ang kotse ko sa tapat ng malaking gate ng mansion ni George. Dahan-dahan akong napasandal sa upuan habang tinitingnan ang mansion sa harap ko. Malaki ito, moderno, at halatang bagong gawa. Mas maganda sa bahay na tinirhan namin noon noong mag-asawa pa kami.“So ito pala ang bago mong







