
Bound to the CEO’s Revenge
Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan.
Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama.
Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon.
Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito.
Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik.
Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak.
Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito.
Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro.
Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito.
Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
Baca
Chapter: Chapter 5 - The night of surrenderPagkatapos ng kasal, agad silang umuwi sa bahay nila. Malaki at simple ang disenyo nito, isa itong Mediterranean style. Kaya namangha si Isobel, ito ang bahay na gusto niya na nabanggit niya kay Max noon. Napansin ni Alejandro ang tingin niya at lihim na napangisi. “Hope you like the house,” sabi ni Alejandro habang binubuksan ang butones sa leeg. Tumango lang si Isobel at umakyat sa hagdan patungong kwarto, pero nakaramdam siya ng pagkailang dahil sumunod sa likod niya si Alejandro. Sa hallway nakita niya ang malaking room at guest room. Bubuksan na sana niya ang guest room pero naka-lock ito. Paglingon niya, bumungad sa kanya mula sa hagdan si Alejandro na kakarating lang. “Alam kong iiwas ka,” seryoso ang tingin nito. “Wala kang karapatan-” pero hindi na niya natuloy dahil kinuha ni Alejandro ang kamay niya. “Meron, because I’m your husband now,” sagot nito, hindi nakapagsalita si Isobel sa maliit na distansiya nilang dalawa at sa paghawak nito sa kamay niya. Pero m
Terakhir Diperbarui: 2025-10-16
Chapter: Chapter 4 - Tied by proposal Matapos ang proposal ay hindi tumigil si Alejandro kay Isobel.Lagi ito nagpapadala ng mga bulaklak at gifts sa kompanya at bahay nito.Ngayong nasa opisina si Isobel ay nakatanggap na naman siya ng bouquet of flowers."Ma'am, parang napapansin ko na may madalas nagpapadala sayo," kilig na sabi ng sekretarya niya.Iritang tumingin dito si Isobel."Pwede ba itapon mo na yan agad o mukha mo itatapon ko," sabi nito at biglang kinuha ng sekretarya ang bulaklak at nagmamadaling lumabas ng opisina para itapon.Maya-maya ay ipinatawag siya ng kanyang ama sa opisina nito."Kakatapos lang ng meeting ko with Jo cooperation-" seryosong salubong na sabi nito pagkapasok ni Isobel.Umupo si Isobel ng walang gana para makinig."Guess what? It got rejected again," pangunguna nito sa ama.Napabuntong hininga ang ama nito bago sumagot."That's the last company that I offered to be my investors," sabi nito at pagod na napa upo sa swivel chair.Tumingin ito ng seryoso sa anak."A week ago, Alejandro offe
Terakhir Diperbarui: 2025-10-16
Chapter: Chapter 3 - The proposalDalawang araw na ang nakalipas at nasa kompanya na si Isobel, abala sa mga inaasikasong papeles. "Is this my karma?" nasabi ni Isobel habang tumatakbo pa rin sa isip niya ang lahat. Bigla naisip ni Isobel na baka panahon na para magbago siya sa mga kamalian niya na ginagawa. "I hope hindi pa huli ang lahat para sa akin," buntong hininga na sabi nito. Habang pinapaikot niya ang ballpen sa kamay at nakatulala, biglang nagpakita ulit sa kanya ang mga scenario na ginawa nila ni Alejandro sa kwarto nito. Bigla niya narinig ang ungol ni Alejandro at agad na nagtaasan ang mga balahibo niya. "Enough! Isobel," sigaw na sabi nito sa sarili at napahawak ito sa sintido niya. "I need to avoid him and not to see him anymore," na sabi na lamang nito sa sarili niya dahil iyon ang tingin niya na tanging paraan para maka move-on sa nangyari sa kanila. Naputol ang iniisip niya ng kumatok ang secretary niya. "Ma'am, someone wants to talk to you po," sabi nito habang may hawak na planner notebook
Terakhir Diperbarui: 2025-10-16
Chapter: Chapter 2 - The morning afterNagising si Isobel sa isang kwarto na hindi familiar sa kanya, ramdam niya ang sakit ng katawan dahil sa pagod. Nakita niya ang sarili na hubad sa ilalim ng kumot at nagulat sa katabi niyang maskuladong lalaki na tulog pa. Parang gumuho ang mundo niya ng maalala ang mga nangyari sa kanila kagabi. "It can't be," bulong na sabi nito sa kawalan habang tinitignan si Alejandro na tulog pa. Kahit natutulog ay hindi maitanggi ni Isobel na perpekto pa rin ang mukha nito, sa kabila ng magulong buhok nito. Agad na umiling si Isobel at mabilis na tumayo ito kahit masakit ang pang-ibabang parte para magbihis. Nakaalis na ito at nasa elevator nang mapansin niya sa reflection ang daming kiss marks sa leeg at magkabilang braso niya halatang pinanggigilan ito ni Alejandro kagabi. "Why did you lose yourself to him?!" inis na sabi nito sa sarili. "Ang landi mo at ang tanga mo!" sigaw nito sa sarili sa inis. Ramdam ni Isobel sa sarili na isa siyang walang kwentang tao, dahil sa mga maling desis
Terakhir Diperbarui: 2025-10-16
Chapter: Chapter 1 - The unexpected encounter"Is this real? You're h-here too?!"pangtutuya na sabi ni Isobel sa kabila ng kalasingan niya.Papasok na sana ito sa room niya para magpahinga nang makita niya ang isang binata na matangkad at matipuno ang katawan na papasok din ng room at bigla itong humarap sa kanya."Oh, it's you Alejandro w-who make out with other guy," sabi nito habang tumatawa ng malakas."Look, Miss, katuwaan lang yun, mali ang iniisip mo," pagpapaliwanag nito."You caused a mess," sabi nito ng may pagkadismiya."You can't convince m- you're gay," pilit na salita ni Isobel sa kabila ng kalasingan nito."Kung ayaw mo maniwala, it's up to you," sagot nito na halatang pasuko na sa pagdedepensa."Just go to your room please," pakiusap nito.Papasok na sana ng kwarto si Alejandro ng mas lalong umingay ito, lumapit siya kay Isobel para patigilin ito sa ingay.Pero natalisod si Isobel at aksidenteng nagpatong ang katawan nila."If you're not really gay-" putol na sabi nito, sabay tingin sa mapungay na mata ni Alejandr
Terakhir Diperbarui: 2025-10-16