author-banner
Valerie Dwein
Author

Novels by Valerie Dwein

BETWEEN LOVE & LIES

BETWEEN LOVE & LIES

Limang Milyon! Limang Milyon ang magiging kapalit ng buhay ng fiancé ni Alexa. Matindi ang pinsalang tinamo ng lalaki mula sa isang malagim na aksidente at sa ngalan ng pag-ibig handa siyang gawin ang lahat upang mailigtas ang buhay ng lalaking labis niyang minamahal. Kaya pikit mata siyang pumayag na ibigay ang kaniyang puri sa isang estranghero h’wag lang mawala si Jake. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang buhay niya ngayon, kung dinadala na niya sa kaniyang sinapupunan ang sanggol na naging bunga ng gabing iyon? Makakaya pa ba siyang tanggapin ni Jake pati na rin ang kaniyang anak?  Gayung konserbatibo ang lalaki kaya nga sa loob ng limang taon nilang dalawa bilang magkasintahan ay iginalang nito ang kaniyang pagkababae. O mas tamang piliin na lamang niya ang alok na kasal ni Luis Antonio dela Merced ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya upang bigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak kahit pa walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa?
อ่าน
Chapter: Chapter Six: Dilemma
"Jane ang gulo ng isip ko!" ani Alexa sa matalik na kaibigan na si Jane. Nandito siya ngayon sa bahay ng kaibigan dahil pinilit niya na dito siya ihatid ni Luis. Noong una ay ayaw na ayaw talaga ng lalaki pero sa huli napilit rin niya ito nang sabihin niya na gusto muna niya na pag-isipan ang alok nitong kasal. Ang totoo sinabi lang naman talaga niya iyon para papayapain ang init ng ulo ng lalaki. Daig pa kasi nito ang bata na nagkakasumpong kapag patuloy niyang sinasabi na hindi niya pakakasalan ito. "Magulo nga iyang pinasok mo Bessy! Eh sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na ibigay mo iyang bataan mo doon sa mayamang lalaki na iyon?", ani Jane. Humalukipkip siya at itinukod ang kamay sa baba. Mula sa bintana ay natatanaw niya ang mga batang masayang naglalaro sa labas. "Mabuti pa sila Jane walang problema!" "A sus! Madali lang naman kasi ang solusyon diyan sa problema mo eh!", mataray na ani Jane. "Ano?!" "Pakasalan mo na lang si Luis Antonio dela Merced! Hindi naman talaga pro
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-29
Chapter: Chapter Five: The Father of My Child is a Billionaire
Mr. Luis Antonio dela Merced how sure are you na ikaw ang ama ng batang dinadala ko? May boyfriend ako at alam yan ng lahat!”nanghahamon na ani Alexa.Sa liit ng bayan ng Magallanes wala naman tao na hindi nakakakilala sa kaniya at kay Jake.Lahat ng tao alam na malapit na silang ikasal. At lahat ng tao alam na paslit pa lang siya nang kupkupin siya ng nanay nito. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina at nang maulila na siyang ganap sa mga magulang ang nanay na ni Jake ang tumayong ina-inahan niya. Magkasama sila sa loob ng mahabang panahon. Sino ba ang mag-aakala na ang batang dinadala niya ay hindi anak ni Jake.Naningkit ang mga mata ni Luis. Kung kanina ay blanko ang kaniyang mukha ngayon naman ay tila nabahiran ito ng inis.“Alexa alam ko ang lahat ng nagaganap sa'yo bago pa may nangyari sa atin! At mas lalo kitang pinasubaybayan pagkatapos ng gabing iyon! Paanong may mangyayari sa inyong dalawa kung ilang buwan siyang hindi na kakalakad? After ng operation ni Jake baka k
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27
Chapter: Chapter Four: Unexpected Help
Bahagyang kumunot ang noo ni Alexa nang tumama sa kaniyang mga mata ang liwanag na nagmumula sa ilaw na nakatapat sa kama na kinahihigaan niya.“Nasaan ako?!”, bulong niya sa kaniyang sarili. Inikot niya ang mga mata sa kabuuan ng silid. Napabaligwas siya mula sa kinahihigaan.“Anong—?” pilit niyang inalala kung paano at bakit siya napapunta sa lugar na ito na nasisiguro niyang isang klinika sa kanilang bayan.Ang huli niyang natatandaan ay mabilis siyang umalis sa tahanan ng pamilya ni Jake. Lakad takbo ang ginawa niya. Sa sobrang sama ng loob niya kay Jake kahit na ano ay wala siyang nadala na personal na gamit at kahit na magkano ay wala rin laman ang kaniyang bulsa.Natatandaan niyang sumama ang pakiramdam niya kanina at bago pa man tuluyang magdilim ang lahat may matipunong bisig ang sumalo sa kaniya.At….at ito ang lalaking kausap ng doktor.Hindi siya maaring nagkamali. Si Luis Antonio dela Merced ang lalaking tumulong sa kaniya!Sa bayang ito walang hindi nakakakilala sa lala
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27
Chapter: Chapter Three: The Confrontation
“Alexa! Alexa!” Boses ni Jake iyon.Tiyak na mainit na naman ang ulo ng lalaki. Mula nang nanggaling sila sa hospital halos dalawang buwan na ang nakalipas, naging kapansinpansin na ang pagiging mainitin ng ulo ng lalaki.Noon naman ay hindi ito ganito. Ngayon lang. Ngayon lang siguro dahil iritable siya sa sarili. Marami na kasing bagay na dati ay ginagawa niya pero ngayon ay hindi na niya magawa.Dali-dali niyang iniwan ang pagsasalansan ng mga damit ng lalaki sa built in closet at tinungo ang kinaroroonan nito.“J…Jake? Ano yun may kailangan ka?” ani Alexa. Gagawaran sana niya ng masuyong halik sa pisngi ang lalaki ngunit umiwas ito.Nasaktan man ang kalooban ay pilit na pinasaya ni Alexa ang boses.“Jake may masakit ba sa'yo?”“Kanino ang mga iyan?!” pabulyaw na sabi ng lalaki sabay may inihagis na kung ano sa sahig.Napansin niya ang paniningkit ng mga mata ni Jake. Galit ang naka rehistro sa mukha ng lalaki.Naka upo ito sa sofa habang nanonood ng telebisyon kanina lang, ang
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27
Chapter: Chapter Two: One Hot Night With a Stranger
Dumadagundong ang kaniyang dibdib sa tindi ng kaba. Kung pwede lang sana na hindi niya ito gawin. Kung mayaman lang sana siya. Kung pwede lang sana na tumakbo palayo malamang na kanina pa siya nakaalis sa makasalanang lugar na ito.Naramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ng lalaki at nalanghap niya ang gamit na pabango nito. Alam niya na mamahalin ang pabango na gamit ng lalaki dahil hindi ito masakit sa ilong pero very masculine ang scent. Bahagya pa siyang nagulat nang lumapat ang palad nito sa kaniyang hita. Mainit iyon at pakiramdam niya para siyang nakuryente, bagay na ngayon lamang niya naranasan. Siguro dahil sa sobrang nerbyos na rin na kaniyang nararamdaman.“Make me happy Alexa! Ngayong gabi ay akin ka!” wika ng lalaki sa bahagyang paos na tinig. There is authority in his voice. Para bang pinapaalala sa kaniya na bayad siya ngayong gabi at wala siyang karapatan na tumanggi sa anumang bagay na hilingin ng lalaki.Naramdaman niya na may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27
Chapter: Chapter One: VIRGINITY FOR SALE
Marahang sinasabon ni Alexa ang buong katawan gaya ng bilin ni Odessa, ang baklang kilalang bugaw sa kanilang lugar at siya rin katransaksyon ng lalaking makakasiping niya ngayong gabi. Ilang ulit umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang naging kasunduan nila. Limang Milyon… Limang Milyon ang halaga ng kaniyang puri! “S…sigurado ka ba Odessa kaya talagang magbigay ng lalaking kausap mo ng Limang Milyon?” may pag-aalala niyang tanong kanina lang. “Siyempre naman! Matagal na ako sa ganitong trabaho no! Alam ko sa amoy at tindig pa lang kung me pera o wala! Ang swerte mo nga e nung ipakita ko yung picture mo kay Mr. D wala na siyang naging say sa 5 million na request mo!” maarteng sabi ni Odessa. Isang kilala at mayamang tao raw ang estranghero at barya lang sa kaniya ang halagang kaya niyang ibigay kay Alexa ngunit pihikan ito sa babae dahil ang gusto nitong makasiping ay isang birhen. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alexa kasunod ng pagtulo ng mga luha sa kaniyang
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27
บางทีคุณอาจจะชอบ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status