Chapter: Chapter 37 Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdang mabuti ang mukha niyang. Madilim na ang kalangitan pero may isang lamparang nagbibigay liwanag sa aming dalawa. Nagulat ako nang magsalita si Xian. "Mahal na mahal ko ho siya ng sobra. Hehe!" lasing niyang sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko ako 'yong tinutukoy niyang mahal na mahal niya. Napangiti tuloy ako ng sobra. "Xia... Miss na miss ko na rin ho siya kaso iniwan n-niya na ho a-ako. Kasalanan ko.." Mas lalong na dagdagan ang bigat sa dibdib ko nang makita ko na naman siyang umiyak. Sa pangalawang pagkakataon, parehas na pangalan na naman ang dahilan kung bakit tumulo ang luha niya. Mabilis kong pinunasan 'yon saka ko siya inalalayan tumayo para pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa kwarto inihiga ko na siya sa papag. Inayos ko ang pagkaka-unan niya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko sa gilid ang plangganang maligamgam na dinala ni Mama dito saka ko pinunasan ang buong mukha niya.
Last Updated: 2025-11-02
Chapter: Chapter 36 "Bakit pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nagiging malungkot ang mga kapatid ko lalo na si Kiko? Tama bang pumayag ako sa mga gusto niya? Ayoko kaseng isipin mo na nag te-take advantage kami sa'yo at baka isip mong gold digger kami." "Shhh..." Pagtatahan niya sa akin nang tumulo na ang luha sa mata ko. Niyakap niya ako saka hinagod-hagod ang likod ko. "Kahit kailan hindi ko maiisip 'yang mga sinasabi mo at isa pa, ako ang nag offer kay Kiko kaya wala kang dapat ipag-alala." "Pero kasi--" "Shhh.. Hayaan mo naman akong magpalakas sa mga kapatid mo," at kumindat pa siya. "Siraulo! Kaya mo pala ginagawa 'yan e--" "Nagbibiro lang ako, naisip ko kase na para na rin sa emergency. You know, 'yong Papa mo gusto ko ring makatulong sa pamilya mo lalo na sa'yo." Tumango-tango na lang ako kahit hindi sigurado kung tama bang pumayag sa kagustuhan ni Xian at Kiko. Pumasok na kami sa bahay at sinalubong kami ni Papa saka niya inaya si Xian papuntang
Last Updated: 2025-11-02
Chapter: Chapter 35 "Tapos na po ako Ate! Sa classroom ko po ginawa 'yong assignment ko para bukas ready na!" bibong sabi ni Kathy na nginitian ko lang. "Oh, ikaw Kiko?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Hehe mamaya ko po gagawin 'yong assignment ko, inutusan lang po ako ni Papa na hanapin kayo ni Kuya Xian sabi ni Papa pauwiin ko na daw kayo kase mag kwe-kwentuhan pa raw sila ni Kuya Xian." Tumango-tango na lang ako saka kami nag-umpisa maglakad pauwi. Napabaling ako sa dalawa naabala pa ring nag-uusap habang tumatawa sa isa't-isa. 'Yong totoo? Sino ba talaga sa amin ang kapatid niya? "Ate p'wede po bang bukas ko na lang gawin 'yong assignment ko? Kokopya na lang ako sa kaklase ko. Ang hirap-hirap naman kase ng Math!" kumakamot pa sa sentidong sabi niya. Piningot ko ang tainga niya saka ko siya pinagsabihan. "Manahimik ka Kiko! Gawin mo mamaya 'yang assignment mo!" babala ko. "Eh, paano nga po? Hindi ko nga po alam 'yong mga gagamiting formula! Ang hirap-hira
Last Updated: 2025-11-02
Chapter: Chapter 34 Ikina-kibit balikat ko na lang ang nasa isip ko na imposibleng mangyari. Ang alam ko kase ay nasa ibang bansa na si Ian ang kababata ko noon. Kaya hindi ko na kinulit pa si Papa na bumalik sa mansyon nila. Ewan, pero minsan naiisip kong parang nandito lang siya sa Pilipinas at mukhang nagsinungaling lang sa akin si Papa para hindi ko na siya kulitin na bumalik pa sa mansyon pero alam ko namang hindi magagawa ni Papa 'yon sa akin lalo na kay Ian na laging naghihintay sa pagdating namin sa mansyon nila. Hinabol ko si Xian sa paglalakad na parang wala sa sarili kaya hindi ko na lang siya inistorbo. Habang naglalakad kami sinalubong kami ni Kiko at Kathy na may ngiti sa mga labi. "Ate! Kuya Xian!" sigaw ni Kathy habang tumatakbo palapit sa amin. Natauhan naman si Xian dahil nakita kong umiling-iling at sinalubong sina Kathy at Kiko. Binuhat niya si Kathy na may hawak na tutubi. "Kuya Xian look oh! Tutubi po, nakuha ko do'n sa gilid ng bukid," at bumungisngis pa
Last Updated: 2025-11-02
Chapter: Chapter 33 “P’wede ba Ms. Clown tigil-tigilan mo ako sa kaka-english mo. Hindi ko naman maintindihan! Panigurado pati alien hindi ka maiintindihan! At isa pa, kung ayaw mong manghiram ng ulo sa aso ‘wag na ‘wag mong pagsasalitaan nang hindi maganda ang ASAWA ko!” sigaw ni Xian at itinulak si Anabel kaya napaatras siya ng bahagya. Mukha na siyang iiyak dahil napahiya pero pinipigilan lang niya kaya humarap siya sa akin ‘tsaka siya ngumisi. Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Anabel ang magkabilang pisnge ni Xian at hinalikan siya sa mga labi. Biglang akong nakaramdam ng pag-iinit ng dugo sa loob ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hugutin ang buhok ni Anabel ‘tsaka ko siya sinuntok ng malakas sa mukha kaya napasubsob siya sa sahig. Ayo’n knock out ang putragis! Deserved! Mukhang nawalan siya ng malay pero wapakels ako sa kaniya nilapitan ko ‘agad si Xian at kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang labi niya. B’wisit na tyanak ‘yan. Bibigyan niya pa ng
Last Updated: 2025-11-02
Chapter: Chapter 32Warning: Matured Scenes!... NAG LIBOT-LIBOT pa kami dito bago kami mag desisyong umuwi. Habang naglalakad kami pauwi ni Xian kinuha niya ang kanang kamay ko na ikinagulat ko kaya tumingin ako sa kaniya. “Ano bang ginagawa mo?” gulat kong tanong. Imbis na sumagot ngumiti lang siya sa akin ‘tsaka siya kumindat habang mag kahawak ang mga kamay namin. Hindi mawala ang mga ngiti niya sa labi at hindi niya pinapansin ang mga matang tumitingin sa kaniya lalo na ‘yong mga babaeng hitad kung makatingin akala mo ngayon lang nakakita ng g’wapo slash matso slash mabango slash masherep-- este maginoong bastos? Ah basta! Sarap nilang tusukin sa mata! Pasimple kong kinukuha ang kamay ko mula sa kamay niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Yumuko na lang ako habang naglalakad kami pauwi. Ang kaso ay may humarang sa amin na tyanak. Literal na chaka, ugly doll nga lang. “OMG! Katharine is that you? Hindi ka pa rin nagbabago... Mukha ka pa ring dukha!”
Last Updated: 2025-11-02